★Fifteen★

302 15 2
                                    

ALECSA'S POV

Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko, pero totoo yon dahil tila may naramdaman agad kong kakaiba kay Shine nang nilapitan ko siya na walang malay kanina.

"P-Pero pinanganak ko si Shine na walang kakaiba sa kaniya. Hindi tulad ni Calexy noong pinanganak ko siya, na nag-iba ng kulay ang mga mata niya." Sabi ni Aunt Jini.

"That's what I thought, too. Dahil wala akong naramdamang kapangyarihan meron si Shine, that's why I said that she's a human." Sabi naman ni Uncle Shone. "So how did you know that she's also a half alien, Alecsa?"

"Well, I think its because of her attitude kaya ngayon lang lamabas ang kapangyarihan niya."

"I saw and I witnessed her power, Dad." Napalingo ako kay Calexy. "She got one of your powers." Seryosong sabi niya. "The lightning ball."

Talaga? Nasaksihan niya iyon?

Napansin ko si Aunt Jini na paupo nalamang sa sofa katabi ng anak na nakahiga na tila natutulog lang ng mahimbing. Napahilamos ni Aunt ang kaniyang mukha at nagsimulang humikbi.

Oh my... Is she crying?

"Hon.." Sabi ni Uncle nang lapitan si Aunt.

"A-Ayos lang ako, hindi lang ako makapaniwala. Masyado lang akong nabigla at natakot. Hindi ko kasi akalain na mangyayari ulit ito."

Hindi ko na pigilan ang sarili kong makapagsalita. "Aunt, hindi ko rin po akalaing may babagsak na Alien dito sa mundo niyo. Uncle, iyon po ang umatake sa amin noon sa Starnet."

Kung bakit nawala ang magiging kapatid ko sana. Kung sanang walang umatake, kasing edad na sana ngayon ni Shashine ang kapatid kong iyon kung hindi lang nalaglag sa sinapupunan ni Mommy.

"Sa palagay ko rin po, naamoy niya ang kapangyarihan ni Shashine kaya siya ang gustong unang atakihin kanina nung Alien." Dugtong ko.

Binalik nila ang tingin nila kay Shashine nang bahagyang gumalaw ang katawan ng bata.

"My princess!"

"Baby ko!"

Nagkatinginan naman kami ni Calexy at binalik din namin ang tingin kay Shine.

"D-Daddy.. M-Mommy.."

Dahil lang doon sa ginawa ni Shine, nanghina na siya agad. Masyadong nakakabigla ang lahat lalo na para sa kaniya.

"How's your feeling, my princess?"

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon