★Thirty-one★ 2/2

279 12 0
                                    

JERIC TAN'S POV

Heto kami ngayon ni Alecsa natapos na kaming maghanap ng mga tuyong kahoy kaya pabalik na kami ngayon sa camp site.


"Alecsa, gusto mong maglaban tayo sa boodle fight mamaya?" Nakangising tanong ko.


"Ayaw mo kong ka-team?"


"Hindi naman sa ganun. Para tayong maglalaro. Kung sinong matalo sa atin, syempre may consequence."


Tinaasan naman niya ko ng kilay. "Ang isip-bata mo talaga! Okay game! So what's the consequence?"


Ngumiti naman ako ng nakakaloko. "Wag mong babasahin ang iniisip ko, kundi magtatampo ako sayo."


"Psh.. Fine. Mag-iisip din ako ng consequence kapag natalo naman kita. Hmp!"


Hehe! Nagsimula akong mag-isip. Matakaw ako at siguradong matatalo ko si Alecsa. Noon kasi nag-arm wrestling kami ni Calexy, syempre talo ako doon at alam niyo ba kung ano pinagawa niya sa akin?


Kinain ko lang naman yung pancake na may chili hot sauce. Huhu!! Baliw talaga Alien na yun, mahal na mahal nga talaga ako. Pero syempre hindi ko naman ipapagawa iyon kay Alecsa my loves. Pfft!!


*isip*

*isip*

*isip*


"Wait!" Biglang sabi ni Alecsa kaya napahinto kami sa paglalakad, pansin ko naman na nakatanaw siya kung saan.


"Bakit? Ano iyon?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Kaya sinundan ko na lamang ang tingin niya.


Napakunot-noo naman ako bigla kung sino ang natatanaw namin ngayon dahil para mapangiti ako.


Hahaha!!


"Magkasama na naman sila?" Rinig kong sabi ni Alecsa na parang may irita sa tono ng boses niya, kaya tinignan ko siya.


"Ano namang masama kung magkasama sina Calexy at Insan?" Curious kong tanong. Tapos umirap lang siya at naglakad na ulit palayo. Tsk! Sinundan ko naman siya. "May problema ka ba?" Tanong ko ulit habang nakasunod ako sa kaniya.


"Oo meron, MALAKI!!"


Ano daw?


Haist!! Pambihira namang alien na 'to! May problema ba siya kay Insan?


LORELEI'S POV

"Sa tingin mo, sino may gawa nun sayo kagabi?" Tanong ko.


Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon