ALECSA'S POV
Kung saan-saan na ko nagpupunta para mahanap si Calexy pero hindi ko talaga siya mahanap lalo na't gabi na ngayon.
"Na saan ka na ba?" Sabi ko habang nakamotor pa rin ako.
Napalingon ako sa side mirror ko. Napansin ko na parang may sumusunod sa akin sa likuran ko at mga nakamotor rin kaya agad kong dinoble speed ang pagmamaneho ko. Tama nga. Ako nga hinahabol nila.
Nagulat ako sa isang motor na nagawang lampasan ako, ang bilis niya. Hanggang sa napapreno ako bigla dahil hinarangan nito ang daan ko. Napamura na lamang ako na may apat na motor ang nakapalibot sa akin. Bwisit! Nakalimutan kong maghelmet!
Matalim ko silang tinignan isa-isa. Hindi na ko magtataka kung sino may pakana neto, baka nga kasama pa nila ang leader nila ngayon na hindi ko lang alam kung alin sa mga ito.
Magsasalita sana ako nang bigla akong atakihin ng isa sa mga nakahelmet, mabuti na lang mabilis akong nakailag sa baseball bat niya. Hahampasin niya ulit ako pero mabilis ko siya tunuhuran sa tiyan sabay pagsiko ko sa likuran niya, tsaka ko siya tinulak nang may akmang susuntok sa akin, pero naunahan ko sa at binigyan siya ng high kick!
Pinulot ko yung baseball bat mula sa lalaking wala ng malay ngayon at saka ko tinutok sa kanila ang hawak ko para hindi sila makapit sa akin.
"What do you want?" Tanong ko sa kanila.
"May nag-utos sa amin na tapusin ka." Sagot ng isa sa kanila.
Mas lalo akong napakunot-noo sa sinabi nito at nagulat ako ng may sumakal sa akin mula sa likuran ko. Nabitawan ko ang baseball bat para maalis ko ang dalawang braso nakasakal sa leeg.
Sobrang galit na ko kaya nabigla siguro sila sa pag-iiba ng anyo ng buhok ko. Its turns to red again.
Mabilis kong sinipa ang sumunod na lalaking akmang sasaksakin ako. Kasabay nun ay nakaya kong balibagin ang lalaking sumasakal sa akin at ngayon daganan na niya ang lalaking gustong sumaksak sa akin.
Hanggang sabay-sabay na nila akong atakihin.
3RD PERSON'S POV
Biglang nanghina si Shone nang makalapit sila bahay ng mga Santos.
"Gray, what happening to you?" Tanong ni Simon.
"I don't know. I felt like, there is something weird here."
Mabilis silang nagtago sa mga damuhan nang may naglilibot na tauhan sa paligid ng bahay ng mga Santos.
"Weird?" Pagtataka ni Lian. "Are you sure?"
"Do I look kidding here?" Sarkastikong sabi ni Shone kay Lian.
"Fine. Stay here, where going inside." Sabi ni Simon saka siya tumingin kay Prosecutor Lee.
Tumango naman si Prosecutor Lee para paalalahanin na hindi sila aalis.
Hinawakan ni Simon ang kamay ng asawa tsaka sila nagsabay na nagteleport. Mabilis silang nakarating sa loob ng bahay, automatic na tumunog ang red alarm.
"What's the meaning of this?" Tanong ni Lian.
"Its a trap!" Sabi naman ni Simon.
At mabilis silang nakaiwas sa mga pana na sunod-sunod na umatake sa kanila kung saan.
"Oh my ghad! Simon!" Napasigaw si Lian dahil nadaplisan ang kaniyang asawa sa braso nito. "Let's get out of here now."
LORELEI'S POV
Nanginginig akong napaatras nang iturok sa akin ng uncle ni Miguel ang matulis na kryptonite na hawak niya sa leeg ko.
"Subukan mong magsumbong, isusunod kita kahit anak ka pa ni Kuya Mike. Naintindihan mo?" Sabi niya at pinandilataan niya pa ko ng mata kaya awtomatiko akong napatango.
Nababaliw na siya.
Tapos bigla na lang may umalingaw-lingaw mula sa labas ng laboratory, kaya agad-agad na ding lumabas si Ivan at nakahinga ako ng maluwang.
Alam ko na lahat. Sinabi niya lahat sa akin. Ang Daddy ni Calexy, si ShaShine, si Alecsa at ang pamilya nito... Mga ALIEN sila na nagmula sa Bituian at alam iyon ni Kuya Tan.
Ang weird pero hindi ko akalaing may nandito sila ngayon. At sa mga kwento niya, pinalabas niya sa akin na masasama sina Calexy at ang pamilya niya. Pero ang nakikita ko hindi sila masama.
Dumating ulit si Ivan tsaka niya ako hinila palabas ng laboratory.
"Saan mo ko dadalhin?!" Pagpupumiglas ko pero hindi ako makawala dahil ang higpit ng hawak niya sa braso ko.
"Malalaman mo rin mamaya. Kapag hindi ka sumunod, itutulad ko si Calexy sa kapatid niya na nag-aagaw buhay na ngayon."
Nagulat ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Na siya may gawa ng pagka-Hit and Run sa kapatid ni Calexy?
Bigla na lamang niya ako pinasakay sa kotse. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon, mas ngingibabaw kasi ang galit ko sa lalaking ito.
Dinila ako nito sa isang liblib na lugar. Ano to? Panibagong hideout nila?
Bago kami pumasok ay may naririnig na ko ng kung anong sigaw mula sa loob.
Pagpasok namin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Yung puso ko na parang tinutusok dahil sa nakikita ko ngayon.
"C-Calexy..." Paulit-ulit siyang hinahampas ni Miguel gamit ang isang malapad na kahoy. Nakaramdam agad ako ng awa kaya agad kong sinugod si Miguel at tinulak ko siya palayo kay Calexy. "Tumigil ka!!"
"Umalis ka diyan! Nagsisimula palang ako sa ALIEN na yan! Umalis ka diyan, Lorelei!" Sigaw niya rin sa akin pabalik.
"Hindi! Kung hahampasin mo siya, hampasin mo rin ako! Kung meron man masama rito, KAYO 'YON, HINDI SILA!"
*Slap!*
Sa pagsampal sa akin ni Miguel ay kasabay ng pagbagsak ko sa sahig, pero hindi ko ininda ang sakit at nakaya ko pang makatayo ulit para itulak siya dahil hahampasin ulit niya si Calexy na bugbog sarado na ngayon. Ginantihan niya ako ng malakas na tulak at nasalo ako ni Ivan.
"Wala kang pakealam kung anong gusto kong gawin sa kaniya!! Ang ALIEN na tulad niya ay hindi karapat-dqpat dito." Sabay hampas niya ulit niya ng kahoy kay Calexy.
"Wag! Tumigil ka!"
Gustong makawala sa pagkakahawak sa akin ni Ivan kaya sinuntok ko siya sa mukha at patakbo akong niyakap si Calexy, kaya ako ngayon ang nahampas ni Miguel ng kahoy sa likod ko.
Para kay Calexy, titiisin ko.
* * *
BINABASA MO ANG
Starnet Warriors [Next Generation]
Science FictionHighest Rank Achieved in Sci-Fic: #31 (02/13/17) Calexy the half-alien and Alecsa the pure alien, they are the new Starnet Warriors. A new battle will come to happen again. A battle between the Warriors against to Human that wants to destroy them an...
![Starnet Warriors [Next Generation]](https://img.wattpad.com/cover/59466132-64-k341728.jpg)