★Eight★ 2/2

331 19 2
                                    

ALECSA'S POV

Ang arte ng Nerd na 'to, mas maarte pa sa akin! Sinadya ko talaga na ipartner yung dalawa. Pfft.. Eh kasi parang may something si Calexy kay Lorelei, and they look cute together.

Heto namang isa. Manhid!

"Oy! Sabi ko sa Tom's World!"

"Try natin sa iba!"

"Dapat kay Calexy ka na lang nagpasama!"

"Wag ka ng maarte, ililibre naman kita!! Si Calexy na bahala sa pinsan mo!"

"Talaga?!"

At napa-Wow naman ako!! Ang ganda naman dito! Mukhang masaya! Naeexcite na kong maglaro!

3RD PERSON'S POV

-Tom's World-

Hindi alam ni Calexy kung ano unang gagawin nila rito. Sumulyap siya kay Lorelei na kanina pa walang imik.

"What do you want to play?"

May kaniya naman silang tokken at nilibre siya ni Calexy. Hindi siya kinibuan ni Lorelei at agad na lamang itong naglakad patungo sa mga stuff toys. Nagpasok siya ng isang tokken doon at sinimulang hawakan ang controller.

Pinapanuod lang siya ni Calexy. Dahan-Dahan namang ikinanan ni Lorelei ang controller at may pinindot siyang button para makuha niya yunh stuff toy, pero nabigo siya dahil hindi niya nakuha iyon.

"Sayang..." Sabi na lang ni Lorelei. Tatalikod na sana siya nang magsalita si Calexy.

"Wait. I'll try.."

Pinanuod naman ni Lorelei si Calexy kung paano ito maglaro.

"Heto bang color blue bear ang gusto mo?" Tanong ni Calexy sa kaniya.

"Oo.." Tipid na sagot niya. At di nagtagal nakuha ni Calexy ang Blue Bear na ikinamangha niya.

Pero sa katunayan, ginamit ni Calexy ang power niyang telekinesis.

"Here.." Abot sa kaniya ni Calexy. Naanlinlangan pang tanggapin ni Lorelei yung Blue Bear sa kaniya. "Tss.." Sabi na lang niya sa dalaga at kusa na niyang ibinigay yung blue bear.

"S-Salamat.." Mahinang sabi ni Lorelei sa kaniya.

"You like Blue stuffs?"

Tumango naman siya kay Calexy. "Oo."

Napangiti naman si Calexy. "Me too.."

Tumalikod naman si Calexy sa kaniya at napansin niyang naglakad ito sa may basketball shoot. Sumunod naman siya dito.

"Marunong ka rin pala sa basketball?"

"Hindi naman.."

Nagstart na magshoot ng bola si Calexy, sa unang tira hindi nakapasok sa ring. Pero di nagtagal, nakakashoot na si Calexy ng tuloy-tuloy.

Napanganga naman si Lorelei sa pagshoshoot ni Calexy na walang sablay. Hanggang sa maubos na ang oras ng dalawang minuto at nalagpasan ni Calexy ang highest score na 120 na ngayon ay 138.

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon