★Thirty-two★ 2/2

224 8 0
                                    

ALECSA'S POV

Habang nakikipaglaban si Calexy sa babae na hindi namin alam kung saang lupalop nanggaling, ay agad muna naming tinulungan si Lorelei na nasa bangin.


"A-Alecsa!"


"Insan!"


"Reach my hand, iaangat kita!" I said to her nang iabot ko ang kamay ko sa kaniya.


She just nodded and she tries to reach my hand kaso hindi niya maabot.


"H-Hindi ko maabot!" She said.


"Kaya mo yan, Insan! Konti na lang!"


Pinilit ni Lorelei na maabot ang kamay ko. At sa wakas naabot niya rin kaya agad din akong tinulungan ni Jeric para maingat namin ang pinsan niya.


Agad kinumusta ni Jeric ang lagay ng pinsan pero hindi ko na sila pinansin dahil binalik ko ang tingin ko kina Calexy.


LORELEI'S POV

Napabalik ang tingin namin ni Kuya Tan kay Calexy at nanlaki ang mga mata ko kung anong hawak niya at muli ko na namang nakita ang mga mata niyang kakaiba.


Napatulala lang kami ni Kuya Tan nang biglang sumugot si Alecsa at sinipa niya yung kalaban na akmang sasaksakin na si Calexy na nakahiga ngayon sa damuhan.


Napansin ko na kakaibang espada pala ang hawak ni Calexy ngayon..


Muli kaming nilingon ni Alecsa, "Lumayo na kayo rito!" Utos niya.


Bago pa ko alalayan ni Kuya Tan na makatayong muli ang nagtama ang mga mata namin ni Calexy.


"H-Halika na, insan!" Pilit na kong inaalalayan ni Kuya Tan na makatayo pero parang ayoko pang umalis.


"A-Ayoko..."


Napabalik ang tingin ko kay Alecsa na bigla siyang atakihin siya ng espada ng kalaban at pansin ko na babae ang kalaban niya. Kaya ba hindi agad ako tinulungan ni Calexy dahil may kinalaban pa siya?


Mabilis na nakaiwas si Alecsa sa pagatake sa kaniya nung babae kaya madali niya rin naagaw ang espada mula rito at agad niyang tinutok sa babae.


"Sino ka?" Tanong ni Alecsa, pero hindi sumagot ang babae. At nagulat na lamang ako nang makita kong nasa likuran ng babae si Calexy na mabilis niyang nahawakan ang dalawang kamay ng babae.


Akmang tatanggalin na ni Alecsa ang mask ng babae nang bigla siyang sipain sa tiyan kaya natumba siya at saka siya umikot para mapalupot ang mga kamay ni Calexy kaya nabitawan niya ito. Kasabay no'n ay bigla na lamang may tinapon na kung ano dahilan para umusok ang paligid kaya inubo pa sina Calexy at Alecsa. Paglaho ng usok ay wala na rin yung babae.


"Langya! Na saan na yon?" Inis na tanong ni Alecsa.


Tapos lumingon silang dalawa sa amin at bumalik na sa normal ang mga mata ni Calexy at wala na rin ang hawak niyang espeda.


Paano niya nagawa iyon?


"Insan, kunwari wala kang nakita." Rinig kong sabi ni Kuya Tan na bigla na lamang niya tinakpan ang mga mata.


Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon