★Fifty-five★ 2/2

190 6 0
                                    

VHAL RAFAEL'S POV

Nanginginig ako sa takot habang natatanaw ko kung paano lagyan ng Uncle ni Miguel na si Tito Ivan ng isang micro chip sa batok ni Kirsten. Napapaiwas ako ng tingin at bahagya akong napapapikit sa tindi ng sigaw ni Kirsten.



"Aaaahhhh!!!"



Ang pagsigaw niyang iyon ay ang paglagay ng isang micro chip na sapalagay ko ay matindi ang sakit iyon. Nakakamangha ang paggawa nila ganung uring chip para makontrol nila si Kirsten, pero sa kabilang banda natatakot ako. Ayoko pati ako malagyan ng ganiyan.



Bigla naman akong sinama ni Miguel kung saan. Tumaas ang tingin sa kalangitan na puro bituin ang nakikita ko. Nabalitaan naming may UFO na namang nag-exist, kaso hindi namin nakita iyon dahil naging abala kami dito kay Kirsten.



"Hindi pa umuuwi si Lorelei sa amin." Out of the blue na sabi ni Miguel kaya na palingon ako sa kaniya. "Alam ko kung na saan siya.." Sabi niya habang may kung anong iniscroll niya sa phone niya.



"Na saan siya?"



"Base on my track, na kila Calexy siya ngayon."



Ewan ko, pero tila ba may kumirot sa dibdib ko nang marinig ko iyon, kaya napalunok na lamang ako.



"May plano ako..." Tumingin siya sa akin. "May gagawin tayong dalawa."



Heto na naman tayo.



"A-Anong plano?"



"Abangan mo si Jeric sa bahay nila, ako ng bahala kay Calexy. Umalis ka na, magtawaga na lang tayong dalawa mamaya para masabi ko pa sayo ang susunod na gagawin mo."



Tumango na lang ako at saka ko na sinuot ang black bonnet ko na mata ko lang ang nakikita.



MIGUEL DOMINIC'S POV

Its my time para makapaghiganti na ko sa kaniya. Nagninja moves ako doon sa kotseng nakaparada sa harapan ng bahay nila, at sinimulan kong kinalikot ang ilalim nun. Magiging maayos pa ito sa una pero kapag nagtagal...hindi na.



Mabilis akong nagtago nang marinig kong bumukas ang pinto, at niluwa nito si Calexy kasunod sina Lorelei at Jeric. Pagkatapos ay pumasok na sila sa loob ng kotse.



Napangisi ako nang sinimulan ng hinarurot ang sasakyan. Sumakay na rin ako sa motor ko para sundan sila. Napakunot-noo ako dahil naihatid ng maayos ang dalawa. Pakiramdam ko tuloy baka palpak ang pagkalikot ko sa sasakyan niya. At mas nakakainis pa, doon pa talaga tumuloy si Lorelei kina Jeric.



"Okay! Ingat sa pagdadrive. Goodnight, Calexy!" Paalam ni Jeric kay Calexy nang makasakay na ito sa kotse niya.



Sige, pagbibigyan na muna kita sa ngayon, Lorelei. Si Calexy na muna uunahin ko.



Sinundan ko ulit si Calexy, wala akong pakealam kung nahahalata niyang sumusunod ako sa kaniya. Nilagpasan ko na muna siya at bigla akong tumigil nang may marinig akong malakas na pagbangga. Paglingon ko sa likuran ko, ang kotse ni Calexy ang nakita ko.



Bumaba ako sa motor ko at naglakad patungo doon. Napansin ko ang pagtulo ng langis sa harapan ng kotse na wasak na. Agad binuksan ang pinto pero nanlaki ang mga at agad ko siyang hinanap dahil wala siya dito.



Napasinghap bigla ako sa sobrang gulat nang may sumakal sa akin mula sa likuran. F*ck! Naloko na!



"I don't know what are you doing this to me." Tama ang hinala ko, boses ni Calexy to.



Gusto kong makawala sa bisig niyang nakasakal sa akin at sa tindi ng galit ko ay nagawa kong nakaawala sa kaniya tsaka ako umikot para ambagan siya ng suntok, ngunit nakaiwas siya at ako ang sinuntok niya sa tiyan, sabay hagis niya sa akin sa Bermuda grass.



Sandali akong napaubo at nilingon ko siya. "Hindi mo alam? Kung sanang may kapangyarihan din ako na tulad ng sayo, ipapaalala ko sayo gamit yon!"



"Tumigil ka na.."



Bahagya akong natawa. "Hangal ka  pati ang lahi mo!"



"You're crazy bastard!" Sabi niya tsaka niya ko kwinelyuhan at sinandal sa puno. Susuntukin na sana niya ako pero naunahan ko siya sa pagsaksak ko sa tagiliran niya.



Bago siya manghina ay ngiting-ngiti kong pinakita sa pagmumukha niya kung ano ang pinagsaksak ko sa kaniya. Isang matulis na Kryptonite. At tuluyan na siyang nawalan ng malay.



Kinuha ko ang lighter ko, itinapon ko iyon sa may langis at mabilis  nagliyab ang kotse.



LORELEI'S POV

"Wala ang katawan ng kaibigan niyo sa loob ng sasakyan." Sabi ng pulis sa amin.



Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya Tan at pansin ko pagngilid ng luha niya.



Tinanong pa kami ng pulis kung ano ba talagang nangyari. Pero base sa pag-iimbestiga nila, nawalan ng preno ang kotse kaya bumagga sa poste at dahil sa nakalat na langis ay kaya ito nagliyab.



"P-Pero paano po nangyari na wala ang katawan niya sa loob ng kotse?"



"Mga bata, siguro tawagin niyo na muna ang may-ari ng sasakyang ito, siguro mabilis siyang nakalabas pagkatapos niyang mabangga."



Napakunot-noo ako sa sobrang pagtataka. Kung ganun, na saan na si Calexy ngayon?



Pinaalis na kami ng pulis. Naglakad na kami ni Kuya Tan pabalik sa kanila na medyo malayo pa. Walang umiimik sa amin, siguro dahil nabigla kami sa pangyayari. Nilingon ko si Kuya Tan at panay ang lingon niya sa paligid na tila may hinahanap.



"Kuya Tan.."



"Nasaan na kaya si Calexy?" Nag-aalalang tanong niya.



Kahit ako nag-aalala para sa kaniya. Hindi ngalang halata pero seriously speaking, nag-aalala talaga ako ng sobra. Tahimik akong nag-iisip kung saan siya pwedeng pumunta.



"Kung nagteleport siya, saan naman kaya siya pupunta?" Tanong ko rin.



"Kinakabahan na talaga ako, insan.. Pakiramdam ko, panibagong problema na naman ito." Sandali kaming huminto sa paglalakad. "Hindi kaya kagagawan ni Miguel ang pangyayaring iyon?"



Sa totoo lang yan din ang naisip ko dahil sa pagkakaalam ko sila lang may galit sa pamilya ni Calexy.



Magsasalita na sana ako nang may tumalak kay Kuya Tan mula sa kaniyang likuran.



"Aahh!"



"Kuya Tan!!" Paglingon ko, isang di ko makilalang lalaki dahil sa bonnet niyang suot sa mukha. Nagulat ako nang mabilis niyang hinila ang braso ko palayo kay Kuya Tan. "Bitiwan mo ko!!" Pagpupumiglas ko.



"Insan!!"



Nang makatayo na si Kuya Tan ay agad siyang sumugod pero mabilis din siyang nasipa ng lalaking ito kaya natumba ulit siya. Kasabay nun ang pagtakip ng lalaking ito sa akin ng isang panyo na may kakaibang amoy, hanggang sa di ko na malayang nakatulog na ko.

* * *

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon