★Forty-four★ 1/2

215 8 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Madali ring napasugod sa ospital ang mga kamag-anak ni Jini, kasama na rin sina Simon, Lian at Alecsa dahil sa nabalitaan nilang nangyari sa bunsong anak nila Shone at Jini.



Inilabas na si Shashine sa Operating Room at dinala na ito sa ICU. Nanghihinang pinagmasdan ni Jini ang anak na puro may nakaturok ng kung ano sa katawan nito at may benda sa ulo. Hanggang sa humagulgol siya ulit na dahil hindi niya kayang makita ang anak na ganito ang kondisyon.



"Ate, gagaling din si bunso. Matapang si Shashine." Sabi ni Jett habang inaalayan niya ang kaniyang Ate Jini. Sina Lian at Alecsa naman ay awang-awa, habang sina Shone at Simon ang nakikipag-usap kay Prosecutor Lee na nasa labas ngayon ng ICU.



"Jusko, hindi ko kayang makita ang apo ko ng ganito. Kailangan talagang pagbayaran ng gumawa nito!" Inis na sambit ni Lolo Julius na ama ni Jini.



"Teka! Si Calexy na saan?" Tanong naman ni Lola Carol na mabait na stepmother ni Jini.



Napa-OO NGA naman si Alecsa sa isipan niya at natigilan siya nang tumingin ang Aunt Jini niya sa kaniya.



"A-Alecsa, p-pwede mo bang hanapin si C-Calexy para sa akin? B-Baka kung saan na siya nagpunta." Pakiusap ni Jini habang luhaan pa rin ang mga mata niya.



"O-Opo Aunt Jini. I will find him as soon as possible. Mommy, excuse muna."



"Sige, sweetheart. Mag-iingat ka, huh? Balik agad dito kapag nakita mo na si Calexy." Paalala ni Lian sa anak na agad din itong tumango at mabilis na nagteleport kung saan.



Lumapit naman si Lian kay Jini. "Wag kang mag-aalala. Positibo ako na gagaling din ang anak mo, Jini. Teka, kakausapin ko lang sina Simon."



"Kung ganun, salamat." Munting sagot ni Jini bago makalabas ng ICU si Lian.



Lumabas na rin ng mga magulang ni Jini sa loob ng ICU at ang naiwan na lang ay sina Jett at Jini.


"May balita na ba?" Agad na tanong ni Lian pagkalapit niya sa asawa katabi si Shone na kausap naman si Prosecutor Lee. Pero hindi siya sinagot ng asawa at bigla na lamang siyang napalingon kay Prosecutor Lee na tila may inaabot na pirasong papel kay Shone.



"Heto ang address kung saan nakatira ang ama ni Miguel Dominic Santos. Nandyan din ang address ng secret hideout ni Miguel na minsan na rin nandoon si Ivan Santos." Sabi ni Prosecutor Lee kay Shone.



Kunot-noong tinitigan ni Shone ang nakasulat sa pirasong papel at mabilis niyang tinandaan ang address kaya bigla nalamang niyang yinukom ang kaniyang palad, kasabay ng paglukot ng papel.



"He'll going to pay this." Muli niyang tinignan si Prosecutor Lee na tiim na tiim ang nanggigigil niyang panga. "Mukhang makakapatay ako ng tao kapag nakita ko ang hayop na Ivan na 'yon. I will kill him no matter what."



"Gray.." Tawag ni Simon na tila sinasaway niya ito sa pinasasabi nito.


----


Lumabas na muna si Jett dahil pumasok sa loob ng ICU si Shone. Nilapitan niya ang kaniyang mag-ina. Kahit siya ay parang ang puso niya na ganitong nakikita niya kaniyang munting prinsesa na nasa malalang kondisyon.



Puro hikbi na lamang ang naririnig niya mula sa asawa habang titig na titig pa rin sa bunso nilang anak at hindi man lang napansin ang presensiya niya.



Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon