VHAL RAFAEL'S POV
Napatalon ako sa gulat nang pagbukas ko sa pinto ng cubicle ay tumambad sa akin sina Calexy at Jeric.
Putcha! Anong ginagawa nila diyan? Sa tapat pa mismo ng cubicle kung na saan ako. At ang seryoso pa nilang makatingin sa akin. Naloko na. Hindi kaya may narinig sila?
"A-Anong ginagawa niyo dito?" Kinakabahan kong tanong sa kanila at napapalunok pa ko sa kung anong gawin nila sa akin. Sabi ni Miguel mag-ingat daw ako baka makayanan ng Alien na to nabasahin ang nasa isip ko, yung kasi sabi nung uncle niya sa kaniya.
Umalis sa pagkakasandal si Calexy sa may sink at napaatras ako ng bahagya nang akmang lalapit siya sa akin.
"We're here to ask you something..." Seryosong sabi ni Calexy sa akin. "...and we have this feeling that you're hiding something from us. Do you have connection with Miguel Dominic Santos?"
Biglang kumabog ang dibdib ko nang banggitin niya ang pangalan ni Miguel. Bigla namang napatingin si Jeric kay Calexy na may pagtataka.
"Huy! Bat iyon ang tinanong mo? Anong kinalaman niya kay Miguel?"
Hindi pinakinggan ni Calexy si Jeric at seryoso lang siyang nakatingin sa akin na para bang tinatakot niya ko sa mga titig niya.
"I heard his voice on your phone na siya ang kausap mo." Sabi niya sa akin, Hindi ko tuloy maiwasang mapanganga.
How come? Eh hindi naman nakaloudspeaker? Naalala ko bigla ang sinabi pa ni Miguel sa akin. 'Malakas ang pakiramdam ng mga Alien'.
"W-Wala.. H-Hindi ko kilala ang tinutukoy niyo!" Depensa ko tsaka na ko mabilis na umalis sa kinatatayuan ko para lumabas na dito sa CR. Ngunit sa pagbukas ko sa pinto, serysong mukha agad ni Alecsa ang bumulaga sa akin.
Tang*na! Na-corner nila ako! Paano na?
"Hindi ka lalabas hangga't wala kang inaamin. Don't worry, wala kaming gagawin sayo basta magsabi ka lang ng totoo. Kung may alam ka na ba tungkol sa amin? O kung kasabwat ka ni Miguel?" Seryosong sabi din ni Alecsa habang nakaharang siya sa may pintuan.
Bigla akong nanginig and at the same time kinakabahan ng sobra dahil mukhang mapapaamin na ko na wala sa oras nito.
ALECSA'S POV
-Rooftop-
Gulat na gulat si Vhal nang mabilis kaming nakarating dito sa rooftop using our teleportation. Si Jeric naman ay na-amaze lang.
"Haha! Gawin ulit natin yun!" Parang batang request ni Jeric. Sinikuhan ko nga sa braso niya.
"Tsk! Sumeryoso ka na nga muna!" Saway ko sa kaniya. Napa-pout tuloy siya. "Stop pouting, its tempting me you know?"
BINABASA MO ANG
Starnet Warriors [Next Generation]
Science FictionHighest Rank Achieved in Sci-Fic: #31 (02/13/17) Calexy the half-alien and Alecsa the pure alien, they are the new Starnet Warriors. A new battle will come to happen again. A battle between the Warriors against to Human that wants to destroy them an...