LORELEI'S POV
Bigla akong nagising nang may narinig akong ingay. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon, kaya agad kong nilibot ang paningin ko. Na saan na naman ako? Tsaka bakit ako nasa isang upuan at pansin ko na natali ang mga kamay at paa ko.
Bigla kong naalala kung anong nangyari bago ako nawalan ng malay. Kasama ko si Kuya Tan nung pinuntahan namin kung saan nangyari ang pagliyab ng sasakyan ni Calexy, tapos pauwi na kami nang may tumulak kay Kuya Tan at....
Sh*T! Naloko na!
Alam ko na kung sinong may kagagawan nito. Dinukot rin ba nila si Kuya Tan, pero sana hindi. Tapos si Calexy...na saan na siya? Nagtagpuan na kaya siya?
Nababaliw na ko sa dami ng tanong sa utak ko.
Pinipilit kong makawala sa mga taling ito, ngunit hindi ko magawa. Hanggang sa may pumasok dito kaya napaangat ang tingin para malaman ko kung sino iyon.
"M-Miguel?" Nauutal kong sambit sa pangalan niya. "Bakit ako nakaganito? Na saan ako?"
Meron pang sumunod sa kaniya na hindi ko kilala, kalbo ang lalaki at baka isa sa mga tauhan niya.
"Pakakawalan kita diyan kung kakalma ka diyan at kung gusto mo pang si Calexy."
Natigilan ako sa sinabi niya. Si Calexy? Ibig sabihin nasa kamay niya si Calexy ngayon?
Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang aking sarili, pero tinapunan ko siya ng matalim na titig. "Na saan siya? Dalhin mo ko sa kaniya."
Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay lumapit siya sa akin, tsaka niya hinawakan ang aking panga para umangat pa lalo ang masamang titig ko sa kaniya. Anong klaseng kapatid siya para ganituhin niya ako?
"Hindi ko alam kung bakit palagi ka na lang nag-aalala sa bwisit na ALIEN na 'yon. Bakit? Umiibig ka na ba sa walang'yang ALIEN na 'yon?!"
"Ganun na nga! At hindi siya walang'ya dito, kundi IKAW--"
Pagkatapos kong sabihin iyon sa kaniya ay mabilis na tumagilid ang mukha ko at ininda ko ang sakin ng sampal na galing sa kamay niya. Hinwakan niya ulit ang panga ko para tignan siyang muli kahit na nakaharang ang ilang hibla ng buhok sa aking mukha, kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.
"Anong sabi mo?! Ako pa ang walang'ya?! Sige ako na! Pero tignan natin kung hanggang saan ang tapang at galing mo kapag nakaharap mo na siya. Kalasin mo ang tali sa kaniya." Utos niya kalbong lalaki at agad naman siyang sinunod.
Nang maalis na ang mga tali sa mga kamay at paa ko ay mabilis ko sinapok sa mukha ang lalaking kalbo.
"LORELEI!!"
Sinunod kong sinipa si Miguel sa tiyan niya dahil akmang hahawakan niya ko para awatin, kaso inunahan ko na siya ng sipa. Mabilis akong lumabas ng silid na iyon at tumakbo ako kung saan.
Kailangan kong mahanap si Calexy bago ako makaalis sa abandonadong gusali na ito. Dapat sabay kaming lumisan dito.
Hindi ko na alam kung na saan na ko ngayon. Nasa madilim na parte na ako ng hallway.
Mabilis kong nilingon ang likuran ko dahil para bang may narinig akong naglalakad. Inisip ko na baka si Miguel o isa sa mga tauhan niya kaya naman kumapa ako sa paligid. Tama namang may nakapa akong pintuan, kaya naman mabilis ko itong naitulak para makapasok ako at kasabay nun ang biglang pagkakaroon ng ilaw.
BINABASA MO ANG
Starnet Warriors [Next Generation]
Science FictionHighest Rank Achieved in Sci-Fic: #31 (02/13/17) Calexy the half-alien and Alecsa the pure alien, they are the new Starnet Warriors. A new battle will come to happen again. A battle between the Warriors against to Human that wants to destroy them an...