★Six★

380 21 4
                                    

SHASHINE'S POV

Dumungaw ako sa ibaba. Nakita ko si Ate Alecsa na nanunuod ng TV. Yes, pagkakataon ko na! Sabi kasi ni Mommy hindi naman suplada si Ate Alecsa kaya I decided na lapitan ko na siya.

Bumaba ako na ko sa hagdan. Nakita ko kung ano pinapanuod niya. WAAAH!! Simply KPop na pala ngayon!! Agad naman akong napaupo sa tabi niya at nilingon ko siya. Masyado akong naexcite. Hihi!

"Hi Ate! Mahilig ka pala sa KPop? Hihi!"

"Ahh.. Nailipat ko lang. Magkasingganda kasi kami ni Long Red Hair." Sabi niya habang nakatuon pa rin ang tingin niya sa TV.

Wow! F(X) pala ngayon ang nasa Simply KPop!

"Kyaa! Si Krystal Jung po yung long red hair diyan. Hihi! Oo nga magkasingganda po kayo."

I heard her smirked at nilingon niya ako.

"Bakit ang cute mo?"

Anudaw?!

*blush*

"Ehehe!! Hindi ko rin po alam. Pero sabi ni Mommy kamukha ko siya nung bata pa siya, eh.. Hehe!" Nginitian niya ko. Ayiie~ Ang bait naman pala niya. "Ate, pwede ba kong magtanong.."

"You're already asking. So, what is it?"

"Hmm.. What is your Name?"

Napataas naman ang kilay niya at napansin niya kung anong hawak ko. Hihihi!! Slambook lang naman, ayoko kasi ng Diary nagsawa ako.

Nabasa kasi ni Kuya tapos pinagsabi niya kina Mommy kung sino Crush ko.

'Bading ang crush ni Shine!'

Umiyak ako that time! Naasar kasi ako kahit biro lang iyon sa kaniya. Member lang naman siya ng EXO!

Si Sehun mukhang bading? Waaa!!! I hate my Kuya talaga that time.

"Alam mo na di ba?" Natatawang sabi niya.

"Ay sige iba na lang po. Hmm.. Ano po Nickname, age, birthplace, address mo po?"

"Hmm.. I have no nickname. My age is same as your Kuya but I'm older than him.. I think weeks lang tanda ko sa kaniya. My birthplace is Starnet and I'm temporarily living here in your planet. Yun lang ba?"

Napatulala ako and at the same time parang nakaramdam ako ng bahagyang lungkot.

"T-Temporary lang po ang pagtira niyo rito?"

Umiwas naman siya ng tingin sa akin. "Y-Yeah.. I think so.."

"Magtatanong pa po ako about your favorites.."

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon