★Twenty-seven★ 1/2

269 13 0
                                    

JERIC TAN'S POV

-Sa loob ng Bus-

Hahaha! Mabuti na lang pangtatluhan ang upuan namin nila Calexy at Alecsa, yung kabilang row kasi pangdalawahan lang.

Nag-iingay ang mga classmates namin dito tapos ako abalang tinetext si Insan, si Calexy tahimik na nakikinig ng music sa phone niya dahil nakaheadset naman siya, tapos si Alecsa nasa tabi lang ng bintana at parang ngayon lang talaga siya nakapag-road trip dahil first time niya. Iba talaga kapag galing kang ibang planeta, eh!

Ako: Sino kasama mo, insan?

Lorelei: Si Vhal..

Hayy! Pati ba naman sa text ang tipid niya rin magtype. Tsaka, pagkakaalam ko si Vhal lang talaga ang naging kaclose niya sa classroom nila.

Ako: wala ka bang kaibigang babae jan?

Lorelei: Wala..

Hayst! Mas maganda na kausapin ko siya sa personal kesa dito sa text nakakawalang gana.. Huhu! Kaso hindi ko magagawa yun dahil nasa bus kami, alangan namang bababa pa ko para puntahan ko siya sa kabilang bus para kausapin niya ko ng matino.

Ako: Anong ginagawa niyo diyan?

Lorelei: nakaupo.

Ako: maliban doon..

Lorelei: dindaldal niya ako.

Ako: hahaha! May radyo ka palang katabi?

Lorelei: matutulog na muna ako.

Ako: o sige, pero bigay mo muna sa akin number ni Vhal para makausap ko siya.

Ilang segundo nagtext na siya.

Lorelei: okay daw. Heto.. 0912*******..

Ako: thanks, insan. Tulog ka na muna, mahaba pa ang biyahe.

Pagkatapos ng text-text namin ni Insan ay napalingon naman ako dito sa mga katabi ko. Si Calexy tulog na pala, nakakabakla talaga ang kagwapuhan nitong best friend ko.. Si Alecsa, nakalumbaba habang nakatingin pa rin sa labas.

"Huy, Alecsa!"

Lumingon naman siya sa akin.. "Oh?" Walang gana niyang tanong.

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon