★Thirty-nine★

244 9 0
                                    

JERIC TAN'S POV

Katabi ko si Mommy na umiiyak rin. Nadatnan kami nila Calexy at Alecsa sa aktong kadramahan namin.

"Oh my! What happened po, Tita?" Nag-aalalang tanong ni Alecsa kay Mommy nang lapitan niya ito.

Tinignan naman ako ni Calexy na parang nagtatanong ang mga mata kahit seryoso ang mukha niya. "Wala na si Insan, kaaalis lang niya. Ang kapal ng Miguel na iyon at nagpunta pa rito para sunduin si Insan."

*Flashback*

Bumangon na ko sa kama dahil medyo okay na ako, pagkatapos lumabas na ko ng kwarto wala na kasing laman yung baso ko na nasa side table.

Paglabas ko ng kwarto napansin ko na sabay kami ni Insan dahil nasa kabila ang kwarto niya. Imbis na ngumiti ako, ay bumaba ang tingin ko sa hawak niyang malaking bag, tsaka ko binalik ang tingin ko sa kaniya at napalunok ako sa iniisip ko.


"I-Insan, bakit may dala kang ganiyan? S-Saan ka pupunta?"

"Kailangan ako ng nanay ko, aalis na ko.."

Napatulala ako sa sinabi tsaka niya ako nilagpasan at sinimulan na niyang bumaba ng hagdan.

Alam na ba niya?

Agad ko siyang sinundan para mapigilan ko siya.

"Insan, sandali lang!!!" Ngunit napasinghap ako nang makilala ko ang lalaking nandito ngayon sa salas namin na tila kanina pa hinhintay si Insan. Si Miguel.. Ang kapal ng mukha!! "I-Ikaw?"

Ngumisi siya sa akin. "May karapatan din kami, kaya kukunin ko na ang kapatid ko. Nice to see you again, Jeric."

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon