★Eleven★ 2/2

298 17 0
                                    

ALECSA'S POV

Mabuti na lang may sarili na rin akong motor. Grabe! As in nasurprise talaga ako kaninang umaga. And Uncle Shone the one who brought this for me. Parehas lang kami ng motor ni Calexy, but we're not the same color. Red with Black ang akin, Black with Grey naman kay Calexy.

Pero paano nalaman ni Uncle na favorite ko ang Red? Hehe!

Oh well, nevermind! We need to find Lorelei before 7.

"Alecsa, take Jeric with you and find that Vhal guy." Calexy said.

"Huh? Pero nakalimutan ko na kung saan nakatira ang lalaking yun." Sabi ni Jeric na kanina pa ninenerbyos.

"Then, alalahanin mong mabuti. But you still need to find her while you are searching for that guy."

"At ikaw?" I asked

"I'm going to find her. Bahala na kung saan."

Tumango naman. "Fine. Let's call each other kung may balita na, then deretsyo na sa subdivision nila." I said.

Pinasuot ko na ng helmet si Jeric na nakaangkas na sa likuran ko, at ganun din kami ni Calexy. Pagkatapos pinaharurot na niya motor niya at ganun na rin ang ginawa ko.

"Humawak kang mabuti."

"Dahan-dahan pwede? Huhu!"

"Tss.. Trust me, okay? Isipin mo kung saan nakatira yung Vhal!"

"Bakit pati siya hinahanap natin?"

"Dahil masama na ang kutob namin ni Calexy sa lalaking yun."

Naalala ko na. Kalahating mukha lang nakita ko sa lalaking nahuli kong nagmamantsyag sa akin noon. At sigurado na ko na si Vhal ang spy na iyon.

"Huh? Paano? Hindi naman pwedeng alam niya ang tungkol sa inyo, lalo na sayo."

"Yun na nga, eh! Pati akong kabago-bago lang inispy na ako."

"Try natin sa East Rose Village."

Sana naman naalala na niya kung saan nakatira ang lalaking yun. Kung spy siya. I'm pretty sure, may kinalaman siya pagkawala ngayon ni Lorelei.

3RD PERSON'S POV

Panay ang contact ni Shone kina Calexy at Alecsa, dahil mag-aalas siete na at hindi pa umuuwi ang dalawa. May house rules sila na dapat sundin, na before mag-7PM ay nakauwi na sila.

"Wala pa rin ba, Honey?" Tanong ni Jini nang lapitan ng asawa sa may veranda. "Tumawag na rin ako kina Jeric pero kahit si Jeric at pinsan niya ay wala pa rin sa kanila."

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon