★Twenty-two★ 2/3

254 9 0
                                    

LORELEI'S POV

Pwersahan kaming nilabas nung mga kumidnap sa amin. Paglabas namin sa likod ng school ay madalim na sa paligid. Napamura na lamang ako sa isipan ko nang maalala na siguradong nag-aalala na naman si Tita Jannelle sa amin.

Gusto kong makawala pero hindi ko magawa dahil mahigpit ang hawak sa akin nung dalawa. Idagdag pa na nakagapos pa rin kami at naka-Tape ang mga bibig namin.

Ipapasok na sana nila kami sa isang van nang biglang may panang tumusok sa likod ng isang kidnapper na may hawak kay Kuya Tan, ganun din sa akin. Agad kaming nataranta nang bumagsak ang mga may hawak sa amin, napansin din naming nagliliyab yung pana.

"T*ng*na! Sino 'yon?!" Bigla sigaw ng nung isang natirang kinadpper at may nilabas siyang baril at itinutok kung saan.

Nagulat ulit kami nang lumitaw kung saan sina Calexy at Alecsa.

P-Paano nila nagawa yun? Saan sila nanggaling para lumitaw na lang ng ganun-ganun sa harapan namin.

Mabilis na ikinalas ni Alecsa ang tali kay Kuya Tan pati ang akin, tapos si Calexy naman ay mabilis niyang pinalupot ang isang kamay na may baril nung kidnapper at inagaw niya yun. Bigla naman kaming itinago ni Alecsa sa likuran niya.

"Who the hell sends you here?! What are your connections with them?" Mariin na tanong ni Calexy doon sa hawak niyang kidnapper nang bigla niyang tinutok ang baril dito.

"C-Calexy, si Miguel! Siguradong siya may pakana nito!"

Lumingon agad si Calexy kay Kuya Tan ng ubod ng seryoso. "What?"

Bakit? Kilala niya ba si Miguel at ganiyan na lang ang ekspresyon ng mukha niya? Nakilala lang ni Kuya Tan si Miguel noong kinuha kami nito pagkatapos noong nangyari sa taxi, at napag-alaman namin na siya ang nagligtas sa amin.

Kinuha niya kami, at tulad ng sinabi niya noon na may dinner kami na umayaw ako sa pag-imbita niya para makilala ako ng tunay kong ama. Pero pinilit niya pa rin ako at nagprisinta si Kuya Tan para sumama sa akin dahil wala siyang tiwala kay Miguel.

Biglang nagsalita yung kidnapper at tinuro ako ng kaniyang daliri kahit na namamalipit ang kaniyang isang  braso.

"Siya! Siya ang may koneksyon!" Sabi nung kidnapper sa akin kaya sabay-sabay silang napalingon sa akin.

"Uwaah!! Hindi totoo yan!! WALA SIYANG KONEKSYON KAY MIGUEL!!" sigaw agad ni Kuya Tan na tila pinagtatakpan niya ko at mali ang sinasabi nung kidnapper.

"Patayin mo na ko, bata. Hindi lang naman ako ang nandito para kunin ang babaeng yan." Pagkasabi nun ng kidnapper ay bigla na lang may nagsilabas na kamapareha nilang ng suot at ang dami nila.

Biglang sinipa ng kidnapper si Calexy at nagawa niyang mabawi ang baril niya atsaka agad tinutok kay Calexy. Pinaputok niya bigla kaso....

"Huh?" Pagtataka nung kidnapper.

Narinig kong natawa pa sa sitwasyon namin si Kuya Tan. "Hehe! Wala kang bala, ano? Tsk! Tsk!" Napapailing pang sabi niya.

Kinuha agad ni Calexy ang kamay nitong may baril, agad niyang kinuha at mabilis niyang pinampukpok sa ulo ng kidnapper at sinipa para bumagsak ito.

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon