★Seventeen★

277 9 0
                                        

ALECSA'S POV

We're having breakfast now and its Friday.

Hindi muna pinapasok ni Uncle si Shashine dahil do'n sa nangyari kahapon. Siguradong issue ang nakita nilang kakaiba kay Shine, lalo na, mga classmates niya pa ang nakasaksi.

Pero tutulong din ako sa pag-iisip kung anong magandang palusot to cover her.

"Bakit wala pa si Calexy?" Pagtatakang tanong agad ni Aunt Jini after niyang ilapag ang cup of coffee ni Uncle Shone sa dining table.

Oo nga, noh? Tulog pa ba 'yon?

"Gusto niyo katukin ko po?" Permiso ko.

"Sige, pakisabi bilisan nya baka ma-late kayo."

Tumango na lamang ako kay Aunt at tumayo na. Tapos na rin naman akong kumain. Pumanhik na ko sa hagdan at tinungo ko na ang kwarto ni Calexy.

*knock*

*knock*

"Calexy?" Bakit parang walang tao sa loob? Baka naman liligo? Tsk! "Hoy! Bilisan mo, mauuna na kong papasok sa'yo!" Wala pa ring response. Hindi kaya may galit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kaniya nung naglaban kami. Hala! "Calexy, sorry na! Galit ka ba dahil sa kagabi? Wag ka ng magtampo. Peace na tayo, uy!" Napapout tuloy ako. Naghintay ako ng ilang segundo BUT STILL no response! Ano ba?!

Hindi ko napigilan ang sarili kong buksan ang pinto ng kwarto niya, pero take note! Tinakpan ko ang mga mata ko, mahirap na baka nagbibihis pala siya. Edi mas lalong nagalit to, kasalanan niya hindi siya nagsasalita, ano?

Pagpasok ko.... Tinanggal ko na ang kamay ko sa mga mata ko. Napakunot-noo naman ako.

"What the?!" Mahina kong sabi dahil nadatnan kong medyo magulo ang mga drawer niya, meron mga ilan pang nakabukas.

Seems like, he's looking for something na hindi niya mahanap. But the question is, nahanap ba niya? Ano naman kaya iyon? At nasaan siya?!

Mabilis binukas ang malaking closet niya, at nakita kong wala ang uniform niya. Wag niyang sabihing maaga siyang pumasok?

Isinara ko na agad ang closet niya. Nagmadali na rin akong lumabas ng kwarto niya. Kinuha ko na rin ang bag ko sa kabilang room na tinutuluyan ko, which is the guest room.

"Ate, bakit ka po nagmamadali?"

Napalingon naman ako doon sa nagsalita bago ako bumaba ng hagdan. Si Shashine na bagong gising lang.

"Ehe! Male-late na ko."

"Ay! Oo nga po pala. Ingat, ate!"

I nodded. "Pahinga ka lang, huh? Para ma-gain ang energy mo." Sabi ko at tumango lang siya while smiling.

"Wala po si Kuya Calexy, mukhang maaga siyang pumasok, Ate.." Agad niyang sabi.

Starnet Warriors [Next Generation]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon