★Forty★

237 9 0
                                        

SHASHINE'S POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Ricca para magpractice ng kanta para sa project namin. Bigla akong ginanahan dahil Ate niya mismo magtuturo sa amin, hindi ko alam na pala kumakanta siya.


"Ricca, sinong kapartner---" natigilan si Ate Chansey sa pagbaba sa hagdan nila nang makita niya ako nakaupo dito sa living room nila, kaya napaayos ako ng upo. "Shashine?"


"Hi Ate!"


"Ikaw ang partner ni Ricca?"


I nodded. "Yes po, ehehe!" Nahihiya kong sabi.


Tapos naglakad siya papunta sa akin ng ganun din si Ricca na may dala ng tray may dalawang juice, tsaka niya nilapag sa center table. Bakit siya ngayon ang nagseserve? Ang alam ko may maid sila, eh!


Hindi kaya nagsisinungaling lang siya para magmayabang lang?


"Ang tagal mong bumaba kaya ako na nagserve sa kaniya." Masungit na sabi ni Ricca sa Ate niya.


Napakunot-noo tuloy ako sa pananalita niya sa Ate niya, parang walang respect.


Napansin ko na napabugtong-hininga si Ate Chansey. "Hindi ba sabi ko sandali lang dahil may tinatapos pa ko sa kwarto ko."


"Pwede namang mamaya na lang yun." Sabay irap ni Ricca sa Ate niya. Ang maldita talaga.


Napailing-iling na lamang si Ate Chansey at binaling na ulit ang tingin sa akin. Pakiramdam ko pinagpapasensiyahan na lang niya si Ricca. Pero kapag si Kuya sasawayin pa niya ako kapag nag-aaway kami minsan, pero madalas malambing din siya parang kay mommy lang din.


"So shall we start?" Nakangiti pang tanong sa akin ni Ate Chansey, habang si Ricca nakacross arms na nakaupo sa tabi ko, kaya tumango na ko.


"Ano po ba magandang kantahin ate?"


Umupo naman siya sa single couch na kaharap namin  "Maganda yung song na dapat babagay sa inyo. Sige, mag-isip tayo."


---


"Wow! Ang ganda ng kakantahin natin, Ricca!" Masayang sambit ko sa kaniya, but she just rolled her eyes.


"Whatever!" She said.


I suddenly glared at her when she said that to me. Nakakainis ang babaeng to. But she did her best naman while we're practicing. Ang ganda talaga ng kakatahin namin.. Guess what?


Reflection by Lea Salonga lang naman.


Then Ate Chansey gave us the copy of the lyrics.


"If you have time, pwede kayong magpractice sa school and its better kung walang makakarinig sa inyo para walang gumaya." Suggest ni Ate Chansey sa amin then she gave us her sweetest smile.



Starnet Warriors [Next Generation]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon