★Fifty-nine★

213 10 0
                                        

3RD PERSON'S POV

[Play the song at the multimedia for background music – In the End by Linkin Park]


Umikot si Lian, mabilis na nilatigo niya ang isang kalaban at sabay niyang sinipa pataas ang isa pang kalaban na nasa gilid niya. Si Simon ay mabilis nakailag sa bawat atake sa kaniya ng kalaban, at walang awang pinagtitira niya ang mga kalaban gamit ang kaniyang Laser Bullets na lumalabas sa kaniyang palad. Si Shone naman pinag-ekis niya ang kaniyang kamay bilang panangga, hindi naging madali iyon sa kaniya dahil masyadong malakas ang kalaban niya kaya bahagya siyang tumilapon nang mawala ang shield sa kaniya. Pero hindi pa rin siya nagpatalo dahil mabilis lumabas sa kaniyang mga mata ang Laser at nagawa niyang patumbahin ang kalaban.


Hingal na hingal naglapit ang tatlo habang nakapalibot ang mga kalaban sa kanila.


Natigilan lang silang lahat nang may marinig silang sunud-sunod na putok ng baril mula sa likuran ng mga kalaban.


"Saan galing yun?" Pagtataka ni Lian.


"Damn! Hindi nila matatalo ang mga yan!" Sabi ni Simon.


"They need to get out of here. Masyadong delikado kung pati sila makikisali sa laban para tulungan tayo. Hindi sila pwedeng madamay dito!"


"We need to stop them!" Sabi ni Simon.


At muli na naman silang umatake.


Sa kabilang banda. Sina Officer Montel at Prosecutor Lee ang nagplano na matulungan sa pakikipaglaban ang tatlo. Kahit may kasama silang mga Arm Force at pulis na may dalang malalaking baril ay hindi pa rin sapat para matalo ang mga masasamang Alien ng Planet X.


----


Samantala .. Napagpasyahan na ni Jini na puntahan kung na saan ngayon ang asawa, dahil pakiramdam niya ay mababaliw siya sa kakaisip na baka ano nang nangyari sa kanila.


"Anak, ready ka na ba? Teka! Bakit dala-dala mo 'yan?"


"Eto po ba?" Tanong ni Shashine habang hawak niya ang isang baseball bat. "Pang self-defense po. Di ba po sabi ni Daddy na I will care of you?"


"Eh baligtad naman eh. Anak kita kaya ako dapat magpaprotect sayo."


"Pero wala po kayo powers, mommy."


Tinaasan naman niya ng kilay ang kaniyang anak. "Minamaliit mo ba si Mommy?" ni-level niya ang height kay Shashine. "Kahit wala akong superpowers, obligasyon pa rin ng mommy na protektahan ang Baby niya. Naintidihan mo?" Tumango naman ang bata sa kaniya. "O siya, tayo na!"


Huminga ng malalim si Jini, pagkatapos ay binuksan na niya ang pinto. Paglabas nila sa gate ay bumalaga sa kanila ang ilang flash ng camera at napagalaman niyang mga media ang mga ito. At puro katanungan agad ang sumalubong sa kanila.


"Mrs. Hanston, totoo po ba ang asawa niyo ay isang Alien?"


"Saang planeta po sila nanggaling?"


"Anong klaseng Alien sila, Mrs. Hanston?"


"Totoo bang ang anak niyong lalaki ang nasa video noong nakalipas nakaraang linggo?"


Nagsimula ng magpanic si Jini dahil hindi siya makapaniwala na sa ganitong oras ay may susugod pa na mga media para magtanong ng kung anu-ano at hindi niya alam kung paano nalaman ng mga ito ang tungkol sa katauhan ng kaniyang asawa.


Starnet Warriors [Next Generation]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon