★Twenty-four★

267 9 0
                                    

3RD PERSON'S POV

"Good Morning, Jini!" Bati agad ni Lian nang madatnan niya si Jini na abala sa kusina.

"Magandang Umaga, Lian! Kumusta ang tulog niyo?"

"Maayos naman. Wala kang maid?" Pagtatakang tanong ni Lian habang nililibot ang paningin sa buong kusina.

"Ayaw namin ni Shone. Alam mo na..."

"Ay! Oo nga pala. Mahirap na kung may makatuklas." Tapos umupo si Lian sa isang upuan malapit sa dining table. "Haaay!! Parang kailan lang, nandito na ulit kami."

"Edi dito na lang kayo. Pwede ba yun?" Curious na tanong ni Jini habang nakatuon ang kaniyang tingin sa pagluluto ng almusal.

Sandaling napaisip do'n si Lian. "Paano naman ang planeta namin?"

Natigilan naman si Jini at tumingin sa kay Lian. "Oo nga pala.."

"Kumusta na kayong mag-asawa?"

Napangiti naman si Jini sa tanong niyo ni Lian. "Masaya. Pero syempre, hindi pa rin naman maalis yung magkatampuhan kami, pero nagkakayos naman kami agad. Hehe! Alam mo naman, hindi rin namin matiis ang isa't-isa. Kayo ni Simon?"

"We're still the same.. Wala namang perfect family. Well, siguro naman na laman mo na about sa nagyari sa akin na namiscarriage ako."

Tumango naman si Jini. "Oo, naikwento na sa akin ni Shone yan. I feel sad.. Sayang.."

"I know. Si Alecsa na lang talaga ang anak at unica ija namin ni Simon. You know my power, and I know na baby boy ang kasunod.." Napailing pang sabi ni Lian nabakas na malungkot ang kaniyang boses.

"Hindi lang siguro nakatakda para sa inyo, lahat may dahilan."

"You're wrong, kasalan ko rin..."

"Mali, yung mga Bad Alien. Si Alecsa, napakatapang niyang babae tulad mo. Oh! Gising na pala sila! Magandang Umaga mga dalaga!" Masayang bati ni Jini nang matanaw niyang bumaba ng hagdan sina Alecsa kasunod si Lorelei na medyo na hihiya pa.

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon