MIGUEL DOMINIC'S POV
"Haha! Sapul kang Alien ka. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang kahinaan mong 'yan." Nakangising sabi ko pagkatapos kong panain si Calexy.
Umalis na ko bigla pagkakatago ko at bumalik na campsite namin dahil isa rin ang eskwelahan namin ang mahilig sa kabaliwan na ganito.
Nagtungo na ko sa tent namin habang abala ang mga kaklase ko sa pagsasaya.
Tinago ko na agad ang panang ginamit ko sa isang briefcase kasama ng mga kakaibang bala na ginamit ko kaninang pinabagsak ko kay Calexy. Mga patutulis na kryptonite. Hindi ko alam kay Uncle kung saan niya nakuha ang crystal nato. Tss.. Pero heto talaga ang natuklasan niyang kahinaan nung kinalaban niya ang tatay ni Calexy kasali ang nagbalik na alien noon na Professor G. ang pangalan na isa ring kalaban.
LORELEI'S POV
Hindi ko alam kung paano kami nahanap nila Alecsa at Kuya Tan kung na saan kami ngayon. Nataranta agad sila nang madatnan nila si Calexy na pilit kong ginigising dahil wala pa ring itong malay.
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Alecsa sa akin na parang inis pa siya. Hindi ako nakasagot nang magmura siya. "Sh*T!! Sinong may gawa nito?! Hawakan mo siya."
Hawakan? Paano? Natataranta rin ako dahil hindi ko alam kung saan ko siya hahawakin, gayong nakahiga si Calexy sa mga binti ko.
"Ano yang nakatusok sa kaniya?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Tan.
"Ohmygosh!!" Sabi niya habang sinusuri niya yung matulis na nasa braso at taligiran ni Calexy. Hindi ko alam na dalawa pala ang tama niya. "Lorelei, yakapin mo siya ng mahigpit. Jeric, hawakan mo mga binti ni Calexy. Siguradong mararamdaman niya ang sakit kapag tinanggal ko 'to. DALIAN NIYO NA!" Pasigaw niya sa amin kaya mabilis na naming sinunod ang sinabi niya.
Pero---ugh!! Bahala na! Agad ko ng niyakap si Calexy kahit na naiilang ako. Yakap ko siya habang nakatagilid at nakatalikod siya kay Alecsa.
Napapapikit pa si Kuya Tan dahil nakikita namin kung paano dinahan-dahan ni Alecsa ang matulis na nasa kagiliran ni Calexy at kasabay nun ang paggalaw ng katawan ni Calexy kaya napahigpit ang yakap ko sa kaniya.
"UUGGHH!!" Malakas na ungol ni Calexy nang nahugot na niya yung kakaibang mahaba at matulis na kulay berde. Muli na namang umungol si Calexy nang sumunod na hinugot ang isa pang nasa braso nito.
Naglabas naman agad sila ng panyo at nagpunit din ng tela si Alecsa galing sa ibabang bahagi ng damit niya kaya kita na ang pusod niya, tsaka niya pinalupot sa braso ni Calexy at sa tagiliran nito para mapigilan ang agos ng dugo.
"Jeric, alalayan natin siyang makatayo!"
"O-Oo!" Natatarantang sabi naman ni Kuya Tan at pareho na nilang akbay ngayon si Calexy.
JERIC TAN'S POV
Inalalayan namin ni Alecsa na ipasok si Calexy sa loob ng tent namin, mabuti na lang abala pa ang lahat ng ibang schoolmates at classmates namin sa may bonfire at nagkakasiyahan kaya walang nakapansin sa amin, yung iba naman ata ay tulog na kanilang mga tent.
BINABASA MO ANG
Starnet Warriors [Next Generation]
Bilim KurguHighest Rank Achieved in Sci-Fic: #31 (02/13/17) Calexy the half-alien and Alecsa the pure alien, they are the new Starnet Warriors. A new battle will come to happen again. A battle between the Warriors against to Human that wants to destroy them an...