★Forty-nine★

210 6 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Kunot-noong nakatitig si Shone at Jini sa mensahe na nababasa nila ngayon sa laptop ni Simon.



Napatingin si Jini kina Lian at Simon. "Paano na to? Babalik na kayo sa planeta niyo?" Napaawang labi na tanong niya.



Magsasalita sana si Lian nang biglang pop in sa screen ang isang video call kaya nakipagpalitan na muna ng pwesto si Shone kay Simon.



"OFA406, nandiyan ka ba?" Tanong ni Simon sa tapat ng laptop. Pagkatapos ay biglang may lumitaw na isang lalaking binata sa screen na itsurang pagod na pagod sa pakikipaglaban.



(Pinuno! Mabuti nasagot niyo!) Sabi ni OFA406.



Si OFA406 ay isa sa mga anak ng isa sa mga Starnet Soldier na nasawi sa digmaan noon.



"Na saan kayo?"



(Sa starship po, pinuno. Wala kami sa planeta.)



"Ano na bang nangyayari?"



Gustong yumuko ni OFA406 pero hindi niya magawa dahil kailangan niyang humarap kay Simon.



(Nabigo po kami. Marami ng nasawi, hindi namin sila nakayang talunin, Pinuno. Humihingi po kami ng paumanhin.. Mas gugustuhin pa nila na kayo ang makalaban kaysa sa amin, hahanapin nila kayo at posibleng sumugod sila sabay-sabay diyan sa planetang Earth.)



Lahat sila ay napatulala sa sinabi ni OFA406.



(Pero uunahin na namin sila, Pinuno.)



"Anong ibig mong sabihin?"



(Papunta po kami ngayon sa dereksyon ng Earth para maharangan po namin sila sa pagsugod nila diyan.)



"Good idea. Salamat at mag-iingat kayo."



Nagbow na sakaniya si OFA406 at mabilis na naglaho ang video call screen ng laptop.



VHAL RAFAEL'S POV

Kasa-kasama na ko nila Gregorio, Alecsa at Calexy kada Lunch Break. Wala na rin kasi si Lorelei at nasa Northcliffe's Academy na. Nagbabalak sana kami ni Gregorio na dumaan doon kaso...malayo.



"Heto na ang food for my one and only." Sabi ni Gregorio nang nilapag niya yung food sa tapat ni Alecsa.



Teka! Sila na ba?



Ayos tong Nerd na to, ganda ng taste.. Alien pa talaga. Haha!



Samantalang si Calexy tahimik na kumakain. Nung una namimisteryoso ako sa kaniya noon, yun pala may tinatagong katauhan pala ito.



Simula nang malaman ko na Alien ang magpinsan na ito, at kung gaano comfortable si Gregorio sa kanila. Pakiramdam ko ay ganun na rin ako kapag kasama ko sila at hindi sila mahirap kaibiganin. Hindi tulad ni Miguel na puro may kapalit kapag kailangan ko ng tulong niya.



Pero kailangan ko pa ring makisama sa kaniya minsan at gawin ang ipinapagawa niya para hindi niya ko mahuli na tinutulungan ko ang mga Alien na to na mas gusto ko pang kaibiganin kaysa sa kaniya.



"Makakatipid talaga ako kapag may manliligaw akong laging manlilibre sa akin." Kinikilig na sabi ni Alecsa.



Ah.. So manliligaw palang..



Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon