★Thirty★ 1/2

256 11 0
                                    

LORELEI'S POV

Tsk! Problema ng lalaking 'to? Hihilain na lang ako bigla.

"Pupunta na ko sa tent, nagugutom ako."

Nag-ihaw-ihaw kasi yung mga kaklase ko ng marshmallows at kung ano pang trip nilang isawin doon sa bonfire.

Hindi niya ko kinibuan nang bigla niya kong dinala malapit sa ilog, tapos agad niya kong pinaupo sa malaking bato. Ano naman gagawin namin dito?

"Stay here, I'll get you food."

Napa-HA naman ako sa isip ko. Eh ang layo pa ng tent na---bahala siya! Tsk! Mabuti na lang maliwanag dahil sa sinag ng buwan, as in full moon talaga.

Pero yung kanina, mukhang may problema sina Alecsa at Kuya Tan. Napailing na lang ako doon sa dalawa.

Nilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid. Puro kuliglig at ingay ng ilog ang naririnig ko, pero naririnig ko pa rin hanggang dito ang ingay galing sa camp site. Marami ring bituin sa kalangitan ng gabi at maliwanag na buwan. Tapos nagulat ako nang may kung anong kumakaluskos sa may damuhan, yun pala si Calexy lang pala ang dumating.

"Nagulat ba kita?" Tanong niya at may hawak na siyang baunan tapos inabot niya sa akin.

"Akin to, ah?"

Wag niyang sabihing nagpunta siya sa tent namin? Pero paano niya nalaman.

"Haha! I asked your classmates then saktong ka-team mo ang pinagtanungan ko."

"Eh bakit ang bilis mong dumating?"

Imagine? Kaalis lang niya tapos after five minutes kong pagmumuni rito, nandito na agad siya? Kakaiba talaga sila.

"Ganun talaga. Ayoko namang paghintayin ka ng matagal.." Tsaka siya ngumiti sa akin. "Let's eat?"

Umupo rin siya malaking bato tsaka niya binuklat ang baunan niya.

"Dapat sinama mo na yung dalawa."

"Let them talk for awhile. We're out of their business." Sabi niya habang abala na niyang kinakain ang pork barbeque niya.

Bubuklat ko na rin sana ang baunan ko nang biglang nalaglag ang clip sa buhok ko. "Let me .." Rinig kong sabi niya bago ko pa damputin yung clip. At natigilan ako nang agad niya ring inip ulit sa gilid ng bangs ko ang clip. Tapos ngumiti na naman siya. "Much better.."

Para tuloy nag-init ang mukha ko sa ginawa niya. Nawalan tuloy ako ng gana dahil hindi na ko matingin sa kaniya ng deretsyo.

"Want to see some magic?" Nabalik agad ang tingin ko sa kaniya nang itanong niya iyon sa akin. Tinapon niya yung barbeque stick niya tapos may kinuha siyang piso sa bulsa niya at ginalaw-galaw niya ang kaniyang mga kamay sa harapan ko. "Wag kang kukurap." Sabi niya at ginawa ko naman dahil tinuon ko ang tingin ko doon sa pisong hawak niya tapos bigla na lamang ito nawala sa kaniya.

"Tss... Madaya. Nilaglag mo, eh!" Biro ko sa kaniya.

"Nope. I didn't do that." Tapos nilapit niya isang kamay niya sa kanang tenga ko. "it's in your ear. See?"

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon