★Thirty-seven★

237 11 0
                                    

LORELEI'S POV

Paglabas ko ng kwarto nakita ko na pumanhik ng hagdan si Tita Jannelle at natigilan siya saglit nang makita niya ako, napansin ko rin na may hawak siyang tray ng pagkain.


"O Lorelei, papasok ka na? Mag-almusal ka na muna sa baba. Tsaka hindi makakapasok ang Kuya TanTan mo dahil nilagnat kagabi. O siya, asikasuhin ko muna siya." Sabi niya tapos ay pumasok na siya sa loob ng kwarto ni Kuya Tan.


Okay naman siya kahapon. Anong oras ba siya umuwi kagabi?


-Southward Academy-


Napag-isipan ko na dito nalang sa cafeteria mag-almusal. Bigla naman akong napalingon sa kabilang table na medyo malayo sa akin, may tatlong lalaki doon at ang iingay nila na tila may pinapanuod sila ng kung ano sa phone nung isa.


"Woooah!!" Sabay nilang sabi.


"P*Ta! Astig! Sino kaya to?" Sabi nung lalaking may hawak ng phone.


"Paano ka nagkaron ng video na yan." Sabi ng nasa kanan.


"May kumuha raw ng video at saksi siya sa naganap sa parking lot. Tapos mabilis na lang kumalat ngayon sa internet! In-upload siguro nun. Hindi nga raw makapaniwala na schoolmate daw natin yung tumalo sa alien." Paliwanag nung nasa gitnang may hawak ng phone.


"Uy! Tignan niyo may babae!! Sh*T!! Parang may hawig siya! Nakakainis ang dilim ngalang." Sabi nung nasa kaliwa.


"Kagabi lang kaya nangyari yan." Sabi nung nasa gitna.


"ANO?"


"SERYOSO?!"


"Oo naman! At balitang-balita na rin, mga tol---"


Bigla akong nacurious sa pinagsasabi ng mga lalaking ito nang may nagsisigaw kaya napalingon din ako doon. Mga grupo ng ilang estudyante, napakunot-noo ako ng makilala ko sila..


..mga kaklase ko.


"MAY ALIEN!! MAY ALIEN DITEY!!" Sigaw ni Billy na pinakamataba sa classroom namin, na medyo may pagkasilais din.


"AND SHE'S HERE RIGHT NOW!!" Sigaw naman ni Patricia na maarte pang magsalita. Syempre lahat ng nandito ay napasinghap sa gulat maliban lang sa akin. Hindi naman ako mahilig na mag-overreact minsan. Depende nalang sa akin. "DO YOU WANT TO KNOW WHO IS THAT ALIEN GIRL?"


Babae?


"THERE SHE IS!!" Tapos natigilan ako nang AKO ang itinuro ni Patricia. Awtomatikong tumingin ang lahat sa dereksyon ko.


Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon