★Twenty-two★ 1/3

271 9 0
                                    

LORELEI'S POV

"Hahahaha!! Ang cute talaga ng gawa natin!" Masayang sabi ni Vhal habang naglalakad kami ngayon patungo sa cafeteria.

Yung tinutukoy niya ay ang yung pinaint naming flower vase na pina-assignment sa amin nung weekend. Sinundo niya ko nung sabado at doon kami sa bahay nila gumawa. Maraming na kyutan kaya kinuha nung teacher namin yung gawa namin at idi-display daw Library.

Tumango na lamang ako sa kaniya. Kahit hindi halata sa walang expresyon kong mukha ay naaawa din akong nakikitang malungkot si Kuya Tan dahil hindi niya kinakausap yung dalawang kaibigan niya. Nasabi niya rin sa akin na nagpunta sa bahay yung dalawa para maka-usap kami, pero inutusan niya ang mommy niya nagmagsinungaling na kunwari ay wala kami sa bahay.

Tama lang iyon dahil kailangan talaga naming dumistansiya na tila hindi na rin namin sila kilala.

Yung Blue Bear nga kagabi napayakap ko na lamang ng wala sa loob ko bago ako matulog. Kaso biglang kumabog ang dibdib ko nang maalala ko si Calexy kaya napabitaw ko na Blue Bear at hindi ko niyakap.

Kakaibang kabog kasi, tila ba biglang may sumisipa sa puso ko na sunod-sunod na hindi ko maintindihan.

"Lorelei, anong gusto mo? Libre ko." Sabi ni Vhal kaya napalingon ako sa kaniya.

Magsasalita na sana ako nang may humawak sa braso ko kaya napaharap ako doon.

Bahagya akong nagulat dahil si Calexy pala ito. Bigla naman akong napalunok.

"Can we talk?"

Nagawa ko namang naialis ang braso ko sa pagkakahawak niya. "Hindi pwede.." Malamig kong sabi.

Kumunot-noo siya bigla. "Pati ba naman ikaw?"

Tinalikuran ko si Calexy at humarap kay Vhal. "Sa iba na lang tayo kumain."

"H-Ha?" Naguguluhang sabi ni Vhal nang bigla ko siyang hilahin palabas ng cafeteria.

ALECSA'S POV

Napagpasyahan namin ni Calexy na hanapin ang magpinsan. Siya daw kay Lorelei, baka sakaling makausap niya. Ako naman kay Jeric dahil siguradong mapipilit ko siyang magsalita.

*hanap*

*hanap*

Ah! Baka nasa library!

Nagtungo agad ako sa library, pero bago pa ko makarating doon ay nadaanan ko ang music room. May narinig kasi akong tumutugtog ng drums, ang galing!

Nacurious ako kaya napasilip ako sa may bintana.

And my eyes widen when I saw Jeric the one who playing the drums. Hindi lang siya nag-iisa dahil may kasama siyang babae na NERD din at tuwang-tuwa na pinapanuod siya.

Langya! Where the H*ll he met that Nerdy Girl?!

Kahit soundproof itong music room ay may maririnig ka pa ring konting ingay mula sa loob.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Jeric doon sa babae.

"Oo naman! Okay na okay! Fantastic Baby ba naman ang tinugtog mo."

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon