★Ten★

348 17 0
                                    

LORELEI'S POV

"Okay class, everyone already aware now in camping trip, right?" Tanong ng teacher namin.

Naghiyawanan naman ang lahat, halatang excited.

"Wooo!! Exciting!!" Hiyaw ng ilang lalaki.

At ako lang ang hindi dahil baguhan lang ako at hindi pa ko aware sa mga tradisyon nilang magastos. Actually, sinabi na yan kahapon ng isa pa naming teacher sa Chemistry at inulit lang ngayon ng teacher namin sa Math—pinaka ayaw kong subject.

"Pero ito pagkatatandaan niyo, class. Exam muna bago kayo maexcite sa camping. Next week na exam niyo."

"Aww.. Naman oh!" Nanlumo naman ang mga kaklase ko.

Ganyan naman talaga. Hell week muna bago happiness..

"We're going to have a quiz on Friday. Then review na lang tayo sa Monday and Tuesday. Copy this first."

No choice kundi magsulat.

*sulat*

*sulat*

Habang nagsusulat ako ay may narinig akong ilang bulungan sa likuran ko na mukhang ako ang pinag-uusapan. Tss. Naririnig ko kayo.

'Hindi siya cute'

'Yah, right. Weird na nga. Nagmukha pa lalong weird dahil sa hair niya.'

'Hay naku. Bakit hindi pa siya nagsudako. So scary ~'

Tapos tumawa sila ng mahina.

"Tss.." Sabi ko na lang ng mahina sa sobrang inis ko.

"Wag mo na lang sila pansinin." Rinig kong sabi ni Vhal. Bahagya ko siyang nilingon. "Bagsak at maganda ang buhok mo. Inggit lang sila." Sabi niya. Nagsulat na lamang ako ulit at di na umimik. "Pero seryoso, idol mo ba si Sunako? Hehe!"

Natigilan ako sa pagsusulat at tinapunan ko siya ng blankong tingin. "Pati ba naman ikaw?"

Tsk! Ewan, mukhang mas bagay pa silang magpinsan ni Kuya Tan.

--

Tapos na ang klase at break time na ngayon, pero nakasunod pa rin si Vhal sa akin.

"S-Sabay akong maglunch sa inyo. Pwede ba?"

"Bahala ka." Tanging sagot ko.

"Yes ba yun?"

"Akyat muna tayo. Pupuntahan ko sina Kuya Tan."

Tumango naman siya. "Sige."

Umakyat kami papuntang forth floor, doon kasi room nila. Medyo kabisado ko na itong eskwelahan na ito. Kahit na malaki, hindi naman ako naligaw.

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon