JERIC TAN'S POV
Mabilis akong napayakap kay Calexy. Haha! Kahit weekend lang kami nagkawalay namiss ko siya.
"Tsk! Jeric, let of me!" Inis niyang sabi habang pilit niya kong nilalayo sa kaniya pero nagtatalon pa rin ako sa saya.
"Namiss lang kita, bakit ba?"
"Tss.. Weekend lang tayong nagkawalay, ano ka ba?" Sabi niya.
Kumalas na ko. "Ang selan mo talaga. Hehehe!"
"Bading.." Bulong niya habang inaayos niya yung uniform niyang nagusot. Hahaha!
"Ano?" Kunot-noo kong tanong. Pero natigilan ako at napangiti ulit nang may katabi pala siyang babae. Wow! Ganda naman niya! "H-Hi!" Kinawayan ko pa.
Ngumiti naman yung babae sa akin, tapos nagsalita si Calexy.
"She's Alecsa, my second cousin."
"Ahh.." Napatango-tango ako. Inayos ko muna ang salamin tsaka ko nilahad ang kamay ko kay Alecsa. "Hi. Ako si Jeric!"
"I know.." Sagot niya.
Ano? Kilala niya ko?
"K-Kilala mo ko?"
"I already met you before... I think you already forgotten it."
Napakunot-noo agad ako.. Wala talaga akong maalala.
"Kailan?"
Biglang sumabat si Calexy. "After my parents wedding, remember?"
Napaisip naman ako bigla..
*Flashback*
After Calexy's Parents Wedding...
Napanganga kaming dalawa ni Calexy sa laki ng Starship na nakikita namin ngayon. As in ..WOW!
Bata palang pero malawag na imagination ko pagdating sa mga cartoons na napapanuod ko. Pero iba to, tao sila na akala mo parang galing sa movie na Star Wars.
At dahil best friend ko si Calexy... Sinekreto ko ang tunay nilang katauhan lalo na isa rin ako sa naging saksi sa superpowers na meron siya.
Hindi ko makakalimutan kung paano tumilapon ng malakas si Miguel, yung bully naming classmate. Sobrang lakas ng hangin na nagpatalsik kay Miguel. Galit na si Calexy nung oras na yun kaya siguro ganun na lang katindi ang powers niya at di niya nakontrol ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
Starnet Warriors [Next Generation]
Science FictionHighest Rank Achieved in Sci-Fic: #31 (02/13/17) Calexy the half-alien and Alecsa the pure alien, they are the new Starnet Warriors. A new battle will come to happen again. A battle between the Warriors against to Human that wants to destroy them an...
![Starnet Warriors [Next Generation]](https://img.wattpad.com/cover/59466132-64-k341728.jpg)