★Fifty-four★

197 5 0
                                    

JERIC TAN'S POV

Napasandal ako sa kabusugan, tsaka ko hinimas-himas ang tiyan ko sabay burp ko pa.



"Ay! Excuse me! Pfft!" Sabay takip ko sa bibig ko.



Hindi pa umuuwi si Calexy. Nandito nga rin si Tito Shone nakakagaling lang ulit sa opisina, na ngayon nag-uusap sila ni Tita Jini. Tapos etong si Alecsa panay pa rin ang kain at Shashine naman, ayun...nanunuod ng TV sa living room nila.



Sinubukan naming tawagan si Calexy kaso narinig agad ni Shashine yung tunog ng phone ng Kuya niya at tama nga hula niya dahil naiwan ni Calexy ang phone niya sa kwato niya. Great! Saang lupalop naman kaya nagpunta ang ALIEN kong kaibigan sa oras nato?



Sabay-sabay kami bigla napalingon sa pintuan dahil may nagdoorbell.



"Teka! Ako na.. Baka si Calexy na yan." Sabi ni Tita Jini tsaka niya iniwan si Tito Shone para buksan ng pinto. "Oh?!" Napansin namin ang bahagyang pagkagulat ni Tita Jini. "P-Pasok.. Tuloy ka, iha.."



Laglag agad ang panga ko ng si Lorelei ang nakita kong pumasok kasunod si Calexy.



Teka! Waaah! Totoo ba to?



Mabilis kong inalis ang nakapal kong eyeglass tsaka ko kinusot-kusot ang mata ko na baka namamalikmata lang ako ngayon, sabay suot ko ulit ng eyeglass sa mata ko.



Napatayo ako sa kianuupuan ko. Hindi ko inaasahan 'to! Nandito si...



"Hahaha! INSAAAAN!!" Para akong isip-batang napatakbo sa gawi niya, tsaka ko siya mabilis na niyakap. Sobrang miss na miss ko ang tinuturing kong kapatid, ang pinsan ko.



Naramdaman ko ang pagyakap niya sa likod ko. "Kuya Tan....namiss kita.."



ALECSA'S POV

Lumapit naman ako kay Calexy tsaka ko sinikuhan habang may hawak akong platito na may lamang rice cake at tinidor at habang titig pa rin ako sa magpinsan.



"How did you get her here?" Tanong ko nang sumulyap na ko sa kaniya.



"What's use of powers?" Tsaka siya tumingin sa parents niya na parehong hindi rin alam kung anong sasabihin dahil...well they know that Lorelei is came from the family who wants to destroy us. The enemy.. Tumikhim si Calexy kaya naghiwalay na yung magpinsan, tsaka siya nagsalita. "Mom, Dad.. I know na medyo awkward.. But let her celebrate with us.."



Napansin kong nagkatingin ng sabay ang mag-asawa, tsaka binaling ulit ang tingin nila kay Calexy.



"Is there something that you didn't tell us, son?" Mapang-usisang tanong ni Uncle Shone, si Aunt Jini naman naningkit ang mga mata.



"Oo nga, anak.."



Bigla namang tumawa si Jeric sabay duro niya kay Calexy. "Hahahaha!! Anak ng!!! Namumula ka, My Friend!!"



"D*mn! I'm not!"



"Sus! Deny pa, Kuya! Malapit ka na maging kamatis. Pfft!" Sabat at pang-aasar pa nila ni Calexy.



"Tss.." Sabay irap niya sa kapatid niya.



Bigla ko naman siyang tinapik sa braso na medyo hard. "Bat di ka pa umamin na gusto mo si Lorelei?"



Nanlaki naman mga mata ko tsaka ko mabilis na tinakpan ang bibig ko kahit na may hawak akong tinidor.



Okay? Ang daldal ko. Pfft!



Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon