Pag-ibig na nga kaya?
Kapag kasama ka,
Lahat ng problema ay naglalahong bigla,
At ang pighating nararamdaman ay napapalitan ng walang hanggang ligaya.
Sa bawat paglipas ng oras,
Iyong maamong mukha ang nais masilayan;
Sa bawat pagdaan ng araw,
Sa pagmamahal mo, ako ay mas lalong nauuhaw.
At sa tuwing ikaw ay katabi, hindi masukat ang kaba.
Mga kamay ay nanginginig kahit hindi naman nilalamig
Ako sa iyo ay natotorete,
At kapag kaharap ka naman, sa iyo ay natatameme;
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman
Paghanga? Pagkagusto? Hindi ko alam.
Sapagkat ako ay baguhan sa ganitong larangan.
Upang matigil na ang aking paghihirap
Ako ay nagtongo sa silid aklatan at ang sagot ay hinanap
Nagdaan na ang mga sigundo, minuto at oras ngunit hindi parin nakita ang sagot
At ng tinanong si ginoongGoogle, ang sabi'y
NAKO! IKAW AY TINAMAAN NA LOBOS!
Sa kanyang sinabi, ako ay napatanga,
Posible nga kayang pag-ibig ang nararamdaman?
Kung gayon, kailan pa nagsimula?
Itong hiwaga na nagdadala sa akin sa alapaaap sa twing ikaw'y naaalala.
Kung pag-ibig mang maituturing,
Sana ay huwag pagsarhan ng tabing;
Ang pagsusumamo ng puso ko
Sana ay iyong dinggin.
Ang pigtibok ng puso ko,
Tanging ikaw ang dahilan,
Araw at gabi, tinig mo ay nais mapakinggan.
Kung aminin man na ikaw ay mahal na, sana ay paniwalaan,
Sapagkat ang lahat ng ito ay walang halong biro,
Pawang katutuhanan lamang.
BINABASA MO ANG
DCL's Poem Compilation
PoetryA random poems written for you to read. Highest rank: #46 as of March 11, 2017