Poem 81: Luha Ni Juana

118 1 0
                                    

Luha ni Juana
By: DarkChocoLove

Dilag na minsan nang nagging bituin ng nakararami,
Ang iyong ganda't alindong ay walang katulad;
Kahit saang anggulo man titingnan,
Binibining marikit, ikaw ay 'di pagsasawaan.

Mayumi't 'di makabasag pinggan,
Dilag na sagana sa gandang hindi maikukumpara,
Puso mo'y busilak, ang iyong kamay ay mapagbigay,
Kaya ang tatlong estranghero'y pinatuloy ng walang pagaalinlangan.

Sa tatlong panauhi'y naging malugod,
Kagustohan nila ay binigyang tugon;
Ngunit sadya yatang malupit ang kalawakan,
Sa kanilang kamay, iyong sinapit ang kasawian.

Alilang-kanin sa sariling tahanan,
Mga anak no, hanggang ngayon sa kanila ay sunod-sunoran;
Kay hirap sarieain at kay hirap isaisip
Na  sa lahat ng kabutihang iyong ibinigay, luha ang nakamit.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon