Poem 86: Manindigan

140 1 0
                                    

Hanggang kailan ka magbubulag-bulagan?

Hanggang kailan ka magbibingi-bingihan?

Hanggang kailan mo hahayaang saktan ka niya at abusohin ang iyong kabaitan?

Hanggang kailan mo balak magpakalunod sa luha?

Ibukas mo ang iyong mga mata,

Pakinggan mo ang mga salitang sa iyo ay kanyang ibinabato;

Huwag kang magpakapipi at magpapaapi,

Humayo ka at ipagtanggol ang iyong sarili.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon