Poem 36: Nang Dahil sa Selos

204 0 0
                                    


Itinuring kitang kaibigan,
Tiwala ko ay pinagkaluob sa iyo,
Ngunit sa isang iglap
Ang pagkakaibigan natin ay biglang naging bato.

Sa espirito ng selos, ikaw ay nagpatangay,
Sana lang ay huwag kang mag-mahay.
Ang pakikipag kaibigan sa sinta mo'y binigyang malisya,
Mga paliwanag ko ay iyong binalewala
At sa selos ay nagpalamon ka.

Masasakit na salita'y sinimulang bitawan,
Ako'y walang ibang nagawa kun'di ang mapaisip na lamang
Kung ako ba'y itinuring rin ba na kaibigan?
Oh sadyang pinakitaan lang ng kaplastikan?

Dahil yaong sa akin ay walang bahid ng pagbabalat kayo...
Hanggang dito na lang ba ang pagkakaibigang nabuo?
Dahil para sa akin okay lang kaysa naman ang natitira kung pagmamahal sa iyo ay tuluyang maglaho.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon