Poem 10: Thesis

461 2 0
                                    

Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin.
Lahat ng aking oras, atensyon ko sa iyo ay handang ibaling.
Handa akong pagkagastusan ka kung kinakailangan,
Huwag lang masayang ang apat na taong pagsisikap.

Matay lumalalim at ang dating malaman na katawa'y buto't balat na,
Kung di mo napapansin ito ang iyong dulot sa akin sinta,
Pero huwag mag-alala dahil kaya pa naman,
Kahit sa katunayan, ang kaloob-looban ko'y naghuhumiyaw nang HINDI KO NA KAYA.

Ilang balde na ba ng luha ang ipinatak sa lupa dahil sa hirap na iyong dulot?
Kulang na kulang ang isang oras ng pahinga sa tatlong buwang hindi pagtolog,
Ngunit kahit lupaypay na ay sige parin sa pagkayod
Alang-alang sa itim na toga na pinapangarap kong maisuot.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon