Poem 47: Lihim na Pagtingin

195 3 0
                                    


Ilang ulit kong tinanong ang aking sarili kung bakit ako kinakabahan kapag palapit ka na...
Ilang beses kong sinubok na ipaalam sa iyo ngunit hindi ko pa man nagagawa'y agad na ako'ng nawawalan ng lakas...
Oo, marahil ako'y nangangamba sa iyong magiging reaksyon,
Natatakot sa maaari mong sabihin...
Kaya toloy ang aking pagtingin ay panandaliang naging lihim.
Minsan, naisip ko kung mali nga ba talagang magkalapit ang langit at lupa...
Mali bang mahulog sa iyo ang tulad kong hamak na tagapaghanga?
Mali bang umibig sa tulad mong perpekto sa paningin nila?
Kasalanan bang hinayaan kong tumibok ang puso ko para sa kaibigan na katulad mo...
Kaibigan na 'di ko tiyak kung ako rin ba'y iniibig mo.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon