Poem 61: Tala (Book GiveAway)

173 0 0
                                    

Tala
(Book Giveaway)


Ang pagdalaw mo sa isip ko'y sapat na upang liparin ako ng hanging sa dako paroon;

Alam kong malabong mangyari ngunit patuloy akong hihiling,

Patuloy akong mananalingin na ang landas natin ay pagtagpuin ng tadhana,

Na sana sa huli ay ipagkaloob ka sa akin ng Maykapal.

Sa dami namin na sa iyo ay pumipila,
Alam kong impossible ngunit ako'y mas magpupursige pa.

Ikaw ay patoloy na aabuti kahit na malinaw pa sa tubig ng batis na ikaw ay talang malabo kong maabot,

Gayon pa man, hindi ko alintana na sa huli ay masaktan,

Sapagkat mabuti nang mabigo habang ginawan ko ng paraan kaysa sumuko na lamang.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon