Poem 70: New Year's Resolution

114 0 0
                                    

Labindalawang  buwan na ang lumipas,
Kamusta naman ang iyong kalatas?
Ang mga nakalista ba ay natupad...
O ibinaon lamang sa limot ang lahat?

Ngayon, ikaw muli ay naririto...
Sa huling bahagi ng silid ikaw ay seryosong nakaupo.
Hawak ang pluma at iyong kwaderno...
Pilit nag-iisip kung anong bagay ang nais maabot bago tuloyang magpalit ng kalendaryo.

Hanggang sa isa-isang nabuo ang mga ideya,
Katulad ng mga bituing sa madilim na langit ay isa-isang nagpapakita,
Kasabay ng pagbugso ng iyong damdamin
Ay ang pagkabig ng iyong kamay't pagkabuo ng mga pangungusap.

"Ako'y mag-aaral nang mabuti" ang una sa listahan,
Kasunod nito'y "Mag-papakabait na ako't magsisipag";
"Matotolog na ako ng maaga para ako'y tumangkad";
"Ako'y mag-iipon ng pera nang sa tuition fee ay may maipangbayad".

"Sa pangaral ni mama, ako ay makikinig" at
"Sa paaralan na ako gagawa ng assignment",
"Ang pagliban sa klase ay akin nang iiwasan para kahit papaano lumiwanag ang aking kinabukasan".

Ilan lang iyan sa mga pangakong iyong inilista,
Sa akibidad na ibinigay ng mahal mong maestro't maestra;
Ang sa sarili sana ay huwag linlangin,
Ang mga inilista, sana ay iyong tuparin.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon