Kailan pa ba huhupa ang gulo?
Kailan pa ba titigil ang pagdidilig ng dugo sa tigang na lupa ng bayang ito?
Kailan pa ba sila mapapagod sa pagbawi ng mga buhay na biyaya ng Lumikha?
Ang dating paraiso'y naging maingay, binabaha ng luha,
Ang dahilan? Ang paghahangad ng labis na kapangyarihan...
Mga utak na nakakandado at ayaw pabuksan,
Mga pusong bato't paniniwalang walang katuturan...
Mga puso't isip, kailan pa ba maliliwanagan?
Oo! Magkakaiba tayo ng lahi subalit iisa ang ating pinagmulan;
Kapwa magkakapatid ngayon ay nagpapatayan!
Nakakalungkot, kailan pa ba matatapos itong pesteng digmaan?
Sisikat pa ba ang araw sa lupang tinubuan?
BINABASA MO ANG
DCL's Poem Compilation
PuisiA random poems written for you to read. Highest rank: #46 as of March 11, 2017