113: Pagkakataon

120 1 0
                                    


Paano nga ba tayo humantong sa ganito?
Kahapon tayo'y magkahawak kamay, ngayon wala ka na sa piling ko;
Pighati ay nanunuot sa bawat hibla ng aking laman,
Ang kahapong nagdaan ay parusa ni Kamatayan.

Saan man idako ang aking mga mata,
Maamo mong mukha ang siyang nakikita;
Pilitin mang limutin ka kailan man ay hindi magagawa,
Hindi na ba maaring na and dati ay maibalik pa?

Puso ko'y humihingi ng isa pang pagkakataon,
Hayaan mong buhayin ko ang namayapa nating pagmamahalan;
Ako'y pansinin at pagsusumamo ko'y dinggin,
Mahal, sa muli ako ay pagbigyan.

Nasaktan kita at sa pagdedesisyon ay nagpadalos-dalos,
Nasakal kita at iyan ay hindi ko sinasadya;
Ako'y naging manhid at ikaw ay aking napabayaan,
Mahal, sana ako ay bigyang kapatawaran.

Ikaw lamang ang mahal aking araw at bituin;
Sa takot at pangamba, ikaw ay kumalas;
Ang kamay mo ay 'di na muli bibitaw,
Dahil hindi ko na kakayanin 'pag ikaw ay muling mawawala.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon