Ilang ulit na bang nagpalit ang taon?
Isa? Dalawa? Tatlo?
Sa sobrang dami ay hindi ko na mabilang,
Ngunit hanggang ngayong nariyan ka pa rin sa madilim na sulok...
Nakatingala sa kalangitan at humihiling sa mga butuin...
Nananalangin na sana'y 'di na nangyari ang lahat
Na sana hindi siya dumating sa buhay mo,
Na sana ngayon ay hindi ka nasasktan,
Na sana Hindi ka nahulog sa kanya...
Sumablit huli na ang lahat sapagkat nangyari na ang lahat;
Ang langit at lupa'y naging isa
At dahil doo'y nagimbal ang madla,
Bawat isa sa kanila'y nag-aklas laban sa pagmamahalan ninyong dal'wa..
Bawat titig nila'y nanunuot sa laman tagos maging sa kasukasuan...
Bawat salitang kanilang binibitawan ay nagliliyab, nakakapaso
Nguniy hindi ka bumitaw,
Dahil sa tuwing ikaw ay inilalayo sa kanya ay siyang paghigpit ng iyong kapit,
Sa bawat pananakit na iyong tinaggap ay mas lalong pagliliyab ng pagmamahal diyan sa iyong dibdib...
Subalit nagbago ang ihip ng hangin
At malakas na bagyo ang sa inyo ay namagitan,
Ang dating matamis na pagsasama ay naging kasimpait ng sinukaan na manggang hilaw,
Ang inyong mundo ay naging masikip, mapakla at walang buhay,
Ang inyong masayang larawan ngayon ay basag na at hindi na maibabalik pa sa dati.
Kayo ay nagkahiwalay ng landas,
Mali! Siya lamang pala ang lumihis dhil hanggang ngayon, ikaw nariyan pa rin, sa madilim na sulok
Mag-isa, lumuluha at nagdadasal na sana kayo muli ay maging isa.
BINABASA MO ANG
DCL's Poem Compilation
PoetryA random poems written for you to read. Highest rank: #46 as of March 11, 2017