Poem 51: Bakit nga ba?

182 2 0
                                    

Bakit kailangan pang mabuhay kung mahihirap lang naman?

Bakit kailangan pang magmahal kung masasaktan lang din naman?

Bakit kailangan pang magtiwala kung sa huli ay lolokohin ka lang din?

Bakit kailangan pang maghintay sa taong alam mong hindi na darating?

Bakit pa mangangako kung hindi naman ito tutuparin?
Kung sa bandang huli ay magpapaasa lang parin?

Bakit may mga taong hindi napapagod magmahal kahit alam nilang iba ang iniirog ng kanilang minamahal?

Bakit napakalupit ng mundo lalo na sa mga taong walang ginawa kung hindi ang magmagandang loob sa ibang tao... kung hindi aabusohin, sila naman ay niloloko... Ako ay nasasaktan, bakit kailangan nilang danasin ito?

Bakit kahit pagod ka na, hindi ka parin sumusuko?
Bakit kahit wasak ka na, lumalaban ka parin?
Iyan ba ay dahil sa iyong kagustuhang makaalpas sa sakit o ikaw ay napipilitan na lang din?

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon