Poem 35: S.B.

230 0 0
                                    


Minsan lamang siyang bumuga ng salita ngunit mayroong laman,
Ang lahat ng ginagawa niya'y may haplos ng pagmamahal;
Minsan lang siyang ngumiti at tumawa,
Kaya kapag na huli mo siya, asahang yan ay 'di maskara.

Sa pagsusulat, ang kanyang mata ay maagang namulat,
Pilit mang pigilin ngunit hindi magawa;
Ang pagmamahal niya sa pagsusulat ay parang tubig,
The more she tries to stop it, the stronger it becomes.

Sa paglalakad niya sa mundo, maraming beses na siyang na dapa,
Ngunit heto pa rin siya't sa agos ng buhay ay nagpapadala,
May panahon mang tila bibigay na,
Salamat sa pamilya niyang patuloy sa pag-gabay.

Musika ang nagpapakalma sa tuwing siya'y naguguluhan,
Pagbabasa naman ang sa utak niya'y nagpapataba,
Sa pagsusulat, kape ang kanyang karamay,
At sa pakikidigma, sandata niya'y papel at pluma.

Kung mag-isip siya'y sinlalim ng balon,
Hindi na nakapagtatakang marami ang 'sa kanya ay 'di nakakaunawa,
Magalang na dalaga lalo na sa nakakatanda,
Huwag mo lang sasaktan kundi ikaw ay luluha.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon