Poem 40: Parating na Siya

157 0 0
                                    

Hayan na naman sila, pinaglalaruan ang aking mga mata...
Mumunting bituing nakasabit sa puno o 'di naman ay sa bintana,
Berde, pula't asul ang ilaw na dala-dala...
Mga munting ilaw na nagpapaalalang ang pasko ay parating na.

Dama ko na ang yakap ng malamig na hangin,
Dining ko na rin ang musikang langit sa taynga ng bawat bata...
Musikang tugtugin sa kapitbahay, sa tindahan o saan man...
Musikang nagpapahiwatig na ang pasko ay parating na.

Sari-saring bituin ay naguumpisa nang mag-pakita...
Recyclable o hindi iyon pa ba ay mahalaga?
Bituing maliki't  maliit... saan man tumingin ay makikita...
Bituing palatandaan na ang pasko ay parating na.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon