Poem 114: Thorns

177 0 0
                                    

Madilim na at ang "tayo' ay hindi ko na makita...
Pag-iibigan natin, pag-ibig nga bang maituturing?
Pag-ibig nga ba itong namamagitan sa atin?
Baka naman pagka-uhaw lang sa atensyon at pag-giliw?
Kay tagal na nating nag-kukubli,
Kailan pa ba tayo lalaya?
Kailan mo ba balak na ako'y ipakilala sa mundo?
Takot ka ba na malaman nila na mayroong ikaw at ako?
Hindi kaya ako iyong ikinakahiya
Kaya ganon na lamang ang iyong pag-iwas sa t'wing ako ay iyong nakikita?
Hindi ko maintindihan ang ating sitwasyon,
Sabi mo ako ang iyong mahal ngunit bakit sa kanya dumudulog ang iyong pusong napapagal?
Noon pa man pansin ko na ang pagkakaiba ng kung anong meron kayo sa kung anong meron tayong dalawa:
Akin ka sa umaga't kanya ka sa gabi...
Sa harap ng madla siya iyong kahawak kamay, habang ako ay sa dilim at iyong ikinukubli.
Napakagulo ng nangyayari...
Maari bang sa akin ka nalang habangbuhay na manatili?
Mahal kita, batid mo iyan ngunit sa puso mo walang sino ma'ng nakakadikta...
Mahal kita at iyan ay aking ipinapadama sa tuwing ang katawan nating dalawa ay magkalapat sa tuwina...
Ngunit sadya yatang ang lobo at tupa ay 'di dapat magsama,
Anong paglapit man ang gawin ko sa 'yo ay may pumapagitan sa 'tong dal'wa,
Pilitin ko mang lapitan ka sa liwanag ay hindi ko magawa dahil nariyan siya;
Mahal kita ngunit hindi na ako mamimilit
Dahil kahit hindi mo sabihin alam ko na sa pagtatapos ng ating kwento sa kanya mo mas pipiliing umuwi.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon