Poem 38: #ParasaFuture

209 0 0
                                    


Utak ko'y sabog na kaiisip sa iyo,
Pitaka ko'y butas na matustosan lang ang obligasyon ko sa iyo,
Katawan ko'y namamayat na kahahabol sa iyo,
Ikaw na inaasahan kong mag-aahon sa akin sa putik na kinasadlakan ko.

Kahit pagod na ay pilit kong kinakaya;
Gabundok na proyektong kanilang pinapagawa,
Nagmistulan na akong superman
Para lang matapos ang gawaing dapat noon pa ay tapos na.

Ako ngayo'y mukha nang raccoon nang dahil sa iyo,
'Di ko alam  kung may pake ka pero nais ko lang na malaman mong
Gagawin ko ang lahat para ikaw ay mapasakin,
Luha, pawis at dugo iaalay para sa iyo togang itim.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon