Poem 72: Resolusyon Sa Bagong Taon

110 1 0
                                    

"Ang bagong taon ay sumapit na,
Ang nagdaang resolusyon, kamusta na?
Iyo na ba'ng isinabuhay...
O tuloya nang inilibing sa hukay?"

Tanong ni Konsensya'y hindi ko masagot
Dahil 'pag nalaman ang rason, tiyak ako'y lagot;
Mga dahila'y tumatakbo sa'king isip,
Bakit nga ba ang resulosyon 'koy naihip...

Ng hangin na kung tawagin ay "katamaran"?
Na siyang nagdulot ng katraydoran
Sa sarili na ngayon ay nahihirapan
Sa mga hinaharap na kasawian.

Kasawiang dulot ng pagpapadala sa tukso,
Tukso na huwag tuparin ang resolusyon ipinangako;
Pangako sa sarili na tutuparin,
Sana lang ay magawa ko bago pa ako suntukin...

Ni Kasipagan na hinihiling kong ako'y kanyang sapian,
Kasipagang tila ako'y nilisan na'ng tuloyan;
Hindi na mahanap saan man tumingin,
Ang pagnaghoy ko, sana lang ay dinggin.

Ngayon nga'y narito ako't nagbabalik,
Mga nakaraang pangako'y ibinabalik,
Mga resolusyong hindi natupad...
Ngayon, sa aking papel ay napadpad.

Ngayong taon, ana ang sarili ay huwag maloloko,
Pangako sa sarili sana'y h'wag mapako,
Pagvavagong hinahangad na makamtan,
Sana ang nga binitawang kataga ay 'di makalimutan.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon