Poem 18: Ikaw

396 1 0
                                    


Ikaw ang liwanag sa napakadilim kong mundo;
Ang araw sa langit kung bughaw,
Ikaw ang bawat ngiti na sumisilay sa aking labi,
At ang galak sa mga panahong ako'y nilalamon ng pighati.

Ikaw ang hantungan ng puso kong naghihingalo,
Ang kanta na kahit paulit-ulit ay akin paring pakikinggan;
Ikaw ang bawat "Kaya ko pa" sa mundong puno ng "Ako'y pagod na",
Ikaw, oo, Ikaw ang kwentong hinding- hindi ko pagsasawaan.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon