Poem 26: Kapit Lang

276 0 0
                                    

Ang dating maliwanag na mundo mo ngayon ay na bahiran ng dilim,
Hindi man nais na matanaw ngunit 'di mapaiwas ng tingin;
Kasabay ng pag-ihip ng nagyeyelong hangin
Ay ang pagkawala ng ngiti na siyang nagbibigay liwanag sa iyong landas.
Pinipilit mong ibalik ang dati, ngunit nangyari na ang lahat.
Ramdam ko ang bigat na iyong dala-dala;
Ayaw mo mang sabihin ngunit ang 'yong sakit ay aking batid.
Pilitin mo mang ikubli ang mahinang panaghoy na aking naririnig,

Alam kong sa kaibuturan ng 'yong puso ikaw ay unti-unting nasasawi.
Pakiusap, makinig ka sa aking sasambitin,
Hindi kasalanan ang maging mahina at lumuha dahil ikaw ay tao lamang-
Natatakot, nangangamba, nasasaktan at nahihirapan,
Ngunit sa lahat ng unos na iyong binabangga,
Sa utak ay itaga na ang Diyos ay iyong laging kasangga.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon