Paulit-ulit na lang ang nangyayari,
Sa tuwing sasapit ang bagong taon babaguhin daw ang sarili;
Gagawa ng mga resolusyong hindi naman matupad-tupad
Sapagkat naglalaho ang mga ito sa ulirat.Mag-iipon daw para 'pag nagkagipitan ay may mahuhugot,
Pero ayun, hindi pa nga nangangalahati... ubos na agad ang ipon.
Magpapapayat na raw kasi masikip na ang pantalon,
Pero kapag may kainan...
"Saka na nga lang, ako'y gutom" ang tugon,Siguro nga mahirap talagang magbago,
Lalo na kapag nakasanayan na'ng mga ito,
Ngunit kung gugustohin man kasabay ng disiplina at pag-pupursige,
Ay tiyak na may pagbabago sa huli.
BINABASA MO ANG
DCL's Poem Compilation
PoesíaA random poems written for you to read. Highest rank: #46 as of March 11, 2017