Poem 37: Dalangin ng Pusong Nagmamahal

182 1 0
                                    


Hindi ko man alam kung pa'no at kung kailan nagumpisa
Itong hiwaga na nagkakubli sa 'king dibdib sinta...
Sa tuwing kasama ka, tibok ng puso ko'y mala tambol,
Nakakabingi't nakakatorete ngunit gustong-gusto ko ang pakiramdam na hatid niyon.

Ang mga ngiti mong parang araw, sadyang nakakasilaw
Ang iyong tinig, araw gabi, laging nais na mapakinggan...
Anong sarap sa pakiramdam kapag tinatawag mo ang aking pangalan,
Sana huwag akong mapagkamalang baliw dahil ako'y nagmamahal lamang.

Oo, mahal kita, matagal na at iyan ay aking inilihim,
Dahil takot ako na 'pag nalam mo ako'y iyong tuluyang lisanin,
Pero ngayong alam mo na sana ay huwag akong iwasan
Dahil ang puso kong umiibig ay tiyak na masasaktan.

Alam ko naman na iba ang pangalang nakaukit sa iyong puso,
Pero sana naman tibok ng puso ko ay iyong pakinggan,
Kahit sandali, isang minuto? Sa akin ay sapat na...
Ang mahalaga lang sa 'kin ay malaman mong minamahal kita.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon