Poem 21: Pangakong Napako

251 0 0
                                    

Nag-tatataka ka kung bakit kita iniiwasan?
Bakit hindi mo isipin kung anong pinaggagagawa mo?
Siguro naman wala kang amnesia para makalimot,
Wala ka ring Alzimer's Disease kaya panigurado sariwa pa ang alaala.

Naiinis ka dahil hindi kita pinapansin,
Anong pake mo? 'Di ba't yan naman ang iyong hiling?
Sa mga ikinilos mo't binitawang masasakit na salita,
Malinao pa sa sikat ng araw na nais mong kalimotan na kita.

Dati, sinusuyo kita at pinagbibigyan lahat ng mga luho mo;
Ok lang na mabutas ang bulsa basta busog ang dragon jan sa tsan mo;
Ako pa nga ang nagloload sa iyo kasi sabi mo wala kang pera
'Yon pala ang niloload ko sa iyo ay ipinapasa mo rin sa iba.

I waited for your answer for three damn years kasi sabi mo, " I'm undecided";
Tapos noong muli kitang tinanong sabi mo, "Can't you wait my dear?!"
Nangako ka pang "after graduation magiging tayo na",
Pero sa huli ako ay pinaasa lang sa wala.

Ngayon nagsisisi ka dahil niloko ka niya?
Iniisip mong sana ako ang yong pinili dahil tiyak na mas mamahalin kita?
Pakiusap tama na dahil ubos na ang mga pagkakataon,
Kung ako ikaw tatanggapin ko nalang na tapos na ang ating kwento.

No, scratch that kasi hindi naman naging tayo,
Dahil wala kang ginawa kung hindi paasahin ako sa iyong mga pangako;
Pangakong kumitil sa aking pagkatao,
At bumuhay sa diwang kailan man ay di mo na maloloko.

Salamat dahil sa kabila ng lahat, ako parin ay iyong naalala,
Ngunit 'di tulad ng dati, ang iyong hiling ay 'di na mapagbibigyan,
Sapagkat ang pag-ibig sa iyo na dati ay nagliliyab ay matagal nang patay,
Oo ako ay nagmamahal, hindi sa iyo ngunit sa iba.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon