Poem 22: Sulyap sa Nakaraan

197 1 0
                                    


Tanda ko pa noong una tayong nagkakilala,
Kapwa tayo freshmen, Class-A, Jose P. Rizal;
Tanda ko pa na mag-katapat tayo sa mesa,
Sa 'king silya, ako'y tahimik habang ikaw'y abala sa pakikipagkilala.

Mula sa malayo ikaw'y aking tinatanaw,
Bawat galaw mo, sa paningin ko'y isang napakagandang sayaw;
Ang iyong maalon na buhok, sa hangin ay nakikipaglaro,
Ewan ko ba kung bakit ang aking puso'y biglang natigil sa pagkabog.

Ilang beses kong tinangka na ikaw ay kausapin,
Ngunit sa tuwing susubukan ang dila'y tila naibuhol na lubid,
Hindi naman ako pala kape ngunit agad na inaatake ng kaba,
Sana naman normal pa ang aking nadarama?

Isang umaga, sa ating silid, habang abala ang lahat sa pag-susulat,
Ako'y kumuha ng lapis at papel at aking iginuhit ang iyong mukha.
Bawat linya, bawat kurba  maingat na ginawa.
Dasal ko lang na sana ikaw'y di makahalata.

Isang araw ako'y naglakas-loob na ikaw ay kausapin,
Salamat sa aking hiya dahil ikaw ay 'di nakapiling.
"Siguro hanggang dito nalang talaga ako", bulong sa 'king sarili,
Mas mabuti yatang ako sa iyo ay malayong muli.

Isang umaga ako ay iyong nilapitan,
Ako naman itong si makahiya, napatiklop bigla,
Hindi agad nakasagot ng ako ay iyong kausapin,
Mabuti nalang ang aking "Hello" ay naisatinig.

Sa paglipas ng panahon lalo kitang nakilala,
At kasabay nito ay ang paglalim ng aking nararamdaman,
Pag-ibig na ang pondasyon ay pagkakaibigan,
Sana huwag lumayo at magulohan kapag iyong na laman.

"Ano pa bang hinihintay? Isang himala mula sa kalawakan?",
"Ang torpe mo, sige ka baka ka maunahan",
"Akala ko ba sa chicks, malakas ang iyong mahika?",
Siguro nga't tama ang huli ngunit bakit sa iyo ay 'di tumatalab?

Siguro nga't may posibilidad na mangyari ang kanilang sinabi,
Dahil marami silang nagdarasal na sana iyong mapili,
Sa ganda mo ba namang yan, sinong tao ang hindi mabibighani,
Napakaganda na nga ng mukha, sobrang ganda pa ng ugali.

Sa loob ng mahabang panahong ang pagmamahal ko sa iyo'y nagsilbing secreto,
Walang ibang nakakaalam maliban sa kaibiggan  at sarili ko,
Isang taon na nag-ingat dahil baka iyong matoklasan
Ang pag-ibig na tanging sa iyo nakalaan.

Hanggang sa isang takipsilim ikaw ay nakipagkita,
Luhaan at Mata mo ay namamaga,
Tinanong ko ang dahilan,
Sambit mo'y, "sa sasabihin ko'y sana huwag kang lumayo",
At nagulat ako ng sabihin mong "Ikaw ay iniibig ko".

Oh kay sarap balikan ng ating nakaraan,
Yaong panahon kung kailan kita nakilala,
Mga alaalang isa-isa nating inipon,
Mahal masaya ako at kapiling kita maging sa pagtanda.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon