Poem 23: Patawad

218 1 0
                                    

Alam kong sa gabi lagi kang lumuluha
Kaya nga sa umaga mugto ang iyong mata,
Kahit hindi mo sabihin ramdam ko ang iyong dala,
Patawarin mo ako sa lahat ng aking nagawa.

Patawad tagahanga dahil ang pag-ibig mo' y hindi nasuklian;
At kailan man hindi na maibabalik kahit pilitin man.
Mahal ko siya alam mo yan kaya ka nga nagkakaganyan
Sana'y patawarin mo ako dahil ang puso ko ay siya lang ang laman.

Kaibigan, patawad kung ako ay nakalimot,
Mga pangako natin, naitabi na sa solok.
Mga alaala natin ay hinayaan kong matabunan ng sa amin,
Patawad kung naiwan kitang mag-isa sa ere.

Mama, patawad kung minsan ikaw' y aking sinusungitan,
Alam kong mali kaya pilit ko nang iniiwasan,
Patawad kung ako ay naging sakit sa ulo
At nagpabigat sa lahat ng dinadala mo.

Patawad kuya kung sa iyo ay naging maramot,
Kung ang mga  utos mo ay hindi sinusunod.
Patawad, dahil sa akin pinapagalitan ka nina papa
Strikto ka man alam kung para iyan sa aking kapakanan.

Patawad sa aking sarili kung ako may naging mahina,
Kung nahirapan dahil sa mga sinasariling problema,
Sadyang ayaw ko lang na sila ay maabala
Dahil sila rin ay may sariling problemang dala-dala.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon